Kabataan, magagamit na naman sa halalan

TIYAK NA magagamit na naman ang mga bata at kabataan ngayong halalan ng mga lokal na pulitiko kahit ng barangay. Ito humigit kumulang ang mensaheng ipinahahatid ng pagdiriwang ngayong taon ng buwan ng kabataan kabalikat ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) at mga ahensya ng gobyerno gaya ng Department of Social Welfare Development at DOST.

Tuwing halalan na lamang, makikitang ginagamit na taga-abot ng mga pulyeto at sample ballot ang mga batang sampung taong gulang pababa, ‘di alintana kung mahahagip ang mga ito ng matutuling ssakyan lalo na kung ang polling precinct o paaralan ay nasa tabing kalsada.

Ngayong Buwan ng Kabataan, mensahe ng mga ahensya ng gobyerno sa bawat isa na nawa ay isaalang-alang ang kapakanan ng mga bata lalo na ang mga naging biktima ng sakuna. Bagama’t suspendido ang halalan sa Cebu at Bohol, ‘di pa rin ligtas ang mga kabataan doon sa iba’t ibang uri ng pananamantala.

Kaligtasan sa abuso, sakit gaya ng HIV-AIDS at harassment mula sa mga nakatatanda at awtoridad ang layunin ng kamakailan ay ginanap na forum theatre ng Tanghalang Pilipino sa pangunguna ng UNICEF. Bagama’t DSWD ang nangangalaga sa kapakanan ng mga bata at kabataan, may mga progrma

rin ang DOST ukol sa mga ito na lagi namang napakikinabangan ng marami lalo ukol sa edukasyon at kalusugan sa pangunguna ng Science Education Institute at Philippine Science High School.

(MJ BALAGUER)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.