Kabataan hinikayat na “magpabinyag”

HINIKAYAT NG PAMAHALAANG lungsod ng Marikina ang mga magulang na himukin ang kanilang mga anak na lumahok sa isasagawang “T-party” o mass circumcision sa May 7 araw ng Sabado.

Ayon kay Marikina Mayor Del de Guzman, ang naturang mass circumcision ay isasagawa sa Marikina Sports Park mula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Libre naman umano ang gaga-wing pagtutuli kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga magulang, na nais nang ipatuli ang kanilang mga kuwalipikadong anak.

Siniguro pa nang alkalde na ang ibibigay nilang serbisyo ay katulad ng serbisyong ibinibigay ng mga pribadong klinika.

Nabatid na kinuha ng city go-vernment ang serbisyo ng mga medical practitioners at nursing students upang maging matagumpay ang naturang aktibidad.

Pinayuhan naman ni City Health Office chief Dr. Alberto Herrera ang mga interesadong lumahok sa mass circumcision na magtungo sa pinakamalapit na barangay health center sa kanilang lugar hanggang sa Mayo 6, para sa isasagawang screening.

Nabatid kay Mayor de Guzman na target nilang makapagtuli ng may 1,500 na mga batang may edad na 12 pataas, upang makapagtala ng world record para sa pinakamaraming bilang ng mga lalaking nagpatuli sa isang araw lamang. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.