Kabado si Maja?

SA KABILA NG UMAARANGKADANG intriga ngayon sa magaling na Kapamilya actress na si Maja Salvador, tila hindi naman apektado rito ang young actress dahil masuwerte pa rin naman ang itinatakbo ng kanyang career. Kumalat ang isyu na kaya wala itong dyowa ay binabakuran ng isang kyom director sa kinabibilangang istasyon.

Hindi natin alam kung ano ba talaga ang nangyayari ngayon sa buhay pag-ibig ni Maja, pero ang mahalaga sa ngayon, masigla ang kanyang showbiz career sa kanyang first ever independent film entitled Thelma, kung saan ang kuwento ay iikot sa pakikipagsapalaran ng isang atleta. Makakasama niya rito ang real life athlete na si Elma Muros, kaya pressure kung pressure para sa aktres ang role na gagampanan.

Narito si Thelma at parang kinakabahan. Excited na yata sa bago niyang pelikula. Sana tangkilikin itey ng mga movie-goers dahil second directorial film na ito ng sweety pie ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano after

The Journey Home.

Photos by Mark Atienza

By MK Caguingin

Stars Candid
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Kabado si Maja?

Leave a Reply

Your email address will not be published.