‘Kabadingan’ ni Enchong Dee, pinagpipistahan ng mga bagets sa 3 TV networks!

ISANG MALAKING PASA-SALAMAT para kay Jennylyn Mercado, na nagkakilala sila at naging magkarelasyon ni Dennis Trillo. Pupuwede kasing mayroong ibang tao sa showbiz na hindi gusto ang magaling na actor, dahil na rin sa mga naunang isyu sa kanya ng pagiging playboy diumano. Pero kapag nakilala mo na raw nang lubusan ang kaparehang actor ni Heart Evangelista sa fantaseryeng Dwarfina ng GMA-7, doon mo pa lang malalaman na ang alaga ni Popoy Caritativo ay napakabuting tao.

Maganda ang impluwensiya ni Dennis kay Jennylyn. Mapapansin naman na magmula nang magkalapit silang dalawa, naging mahinahon na ang dalagang-ina sa kanyang mga atake sa pagpapaliwanag, kahit mayroong kontrobersiya. Hindi katulad dati na parang mayroon siyang nega aura dahil parang galit sa mundo ang hitsura niya. Papaano nga, si Dennis ay cool na cool ang pagdadala ng personality, at kahit pikon na siya sa anumang isyu ay hindi basta-basta nagmumura o nagagalit.

Hindi na nagtataray si Jennylyn ngayon. Katulad na lang sa isyu nila ng dati niyang alalay na si Mel Pulmano, na kahit naipakulong na ay hindi pa rin daw nagtatanim ng hinanakit kay Jen. Walang magawa ngayon ang ex-girlfriend ni Patrick Garcia at mommy ni Alex Jazz, kundi ang umiyak na lamang. Papaano nga, sobrang napalapit ang kanyang kalooban kay Mel nu’ng nagkakasama pa sila, pero hindi naging maganda ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Tungkol sa pera. Siyempre, ang laging payo ni Dennis kay Jen ay makakaraos din ang karelasyong aktres sa mga pinagdaraanang problema ngayon.

PARA TALAGANG SANGKATUTAK ang naiinsekyur ngayon kay Enchong Dee dahil sa napakagandang takbo ng kanyang movie career. Papaano nga, kung nakaposte na sa ABS-CBN ang mga kasikatan nina Piolo Pascual, Sam Milby, Diether Ocampo, Jericho Rosales, Jake Cuenca, Coco Martin at Gerald Anderson, ay hayan nga at hindi naman nababakante sa dami ng trabaho ang brother ni AJ Dee. Lihim na iniintriga lagi ang ka-loveteam ni Erich Gonzales tungkol sa kalamyaan diumano niyang kumilos.

Sa umpukan ng mga bagets na artista sa bakuran ng ABS, mayroon din sa GMA-7 ganu’n din sa TV5 ay laging parang nagiging pulutan ang usapan tungkol sa kuwestiyonableng gender ni Enchong. Makahulugan ang mga ngiti nila kapag nabanggit ang pangalan ng guwapong actor. Nitong huli, nakasama ‘yung pagbibiro ni Erich tungkol sa pagme-make up ng kanyang ka-loveteam. Wala naman kasing masama kung mag-make up ang artista kapag nasa studio, sa taping o shooting.

Mabait naman si Enchong katulad ng kuya niyang si AJ. Kaya maganda ang karma ni Enchong. Kahit kinukuwestiyon ang kanyang gender, ay maraming may gusto sa kanya. Kasi, bukod sa hindi siya mayabang, para rin siyang si Piolo Pascual, na kahit kinukuwestiyon dati ang gender ay parang walang paki ang mga nagmamahal sa kanya, at gusto pa rin siya. Maraming nagpapantasya kay Enchong, dahil bukod sa may breeding siya, guwapo at makinis ang kutis niya. Para raw laging mukhang bagong paligo at mabango. Higit sa lahat, parang daks daw! Oo, me gano’n talagang paghanga sa kanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “‘Kabadingan’ ni Enchong Dee, pinagpipistahan ng mga bagets sa 3 TV networks!

  1. we love jenylyn,,pretty sya,,morena beauty ,di nakakasawa ang ganda mala KAYE ABAD,,TANYA GARCIA. magaling din umarte,,imsure baka sa ibang award giving bodies e mapansin ang galing ni jen sa ROSARIO,,isa din sayng mabuting ina,,ang wish ko lang sana sa huli sila padin ni PATRICK GARCIA,,na balitang concern padin kay jen..uyyy,,,kase if sila ni denis magkatuluyan soon,,e..parehas silang may anak sa labas,,magulo iyon,,diba,,mag isip din sila,,lalo na si jen,,better,,,kung sinusuyo padin say ni patrick,,go!kay pat nalang,,mas masaya pa ang tao at ang anak nila diba,,buo sila,,

    tamaaa,,,…may values,breeding at edukado si enchong ,,,pero mas may higit sa kanya ,,mas may dating si EJ FALCON,ROCO NACINO,IAN BATHERSON,IAVN DORSCHER,JAMES UY,COGIE DOMINGO,JOSEPH BITANGCOL,RAFAEL ROSEL,JON AVILA,WILL DEVAUGHN.EDWARD MENDEZ etc,kesa sa kanya,,,well,tamang work nalang,…at mag ipon,,yun lang,,wag pansinin mga nega na tao,,hehe,,ka stress!

  2. Pingback: Tweets that mention ‘Kabadingan’ ni Enchong Dee, pinagpipistahan ng mga bagets sa 3 TV networks! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.