Kaarawan ni Sen. Bong, maintriga?

 

BINAGYO NGUNIT HINDI ng malakas na ulan at malakas na hangin kundi nang umaatikabong kasiyahan, tuksuhan, lambingan at kantiyawan ang ika-45 kaarawan ni Senator Bong Revilla Jr. noong September 25 na ginanap sa Diamond Hotel sa pangunguna ng asawang si Congresswoman Lani Mercado. Buti na lang, madaling-araw na bumuhos ang ulan at hindi ito kasing-tindi ng mga sumunod na araw. Naging makulay at dinagsa ng mga kaibigan, kamag-anak at kakilala ang masayang pagdiriwang na ito sa buhay ng senador. Alam n’yo bang maintriga rin ang nasabing okasyon dahil gusto pala ni Mareng Lani na mag-ala-Jinkee Pacquiao na magbibigay ng kung anik-anik sa makapagbibigay raw ng ebidensiya na may ibang babae ang kanyang mister? Gan’un? At alam n’yo rin ba na ang tanging sagot ni Sen. Bong eh, si Congresswoman lang ang tanging babae nito kahit na nga raw may pagdududa sa kanya ang misis. Talaga lang, huh! Hehehe, chos! Samantala, saksihan natin ang magulo at makulit na party-party ni Papa Bong. Mula sa amin dito sa Pinoy Parazzi, maligayang kaarawan, Senator! Tsuk!

Photos by Luz Candaba

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

3 thoughts on “Kaarawan ni Sen. Bong, maintriga?

  1. Habang lalung naghihirap ang pilipinas lalo naman ang pamilyang tung yumayaman. Ang pera ng gobierno sa kanila lng napupunta. Mga walang kaluluwa! Tapos tatakbo pa ng vice president, dyos ko maawa kayo. Pilipinas gising!

  2. MATAKOT KAYO SA KARMA MGA KAWATAN NG GOBYERNO.DAMING NAGUGUTOM AT NAGPAPAKAMATAY DAHIL SA KAHIRAPAN .SARAP NG CAKE NINYO HUH!