Kaarawan ni Madir, nilusob!

NAG-IISA LANG ANG nanay ng mga nanay sa mundo ng pagpoprodyus ng pelikulang Pinoy, ito’y walang iba kundi ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na nag-celebrate ng kanyang ika-72 kaarawan noong August 19 sa Imperial Palace Suites. Nilusob nga ng mga friends from showbizlandia at politics ang pinakamahalagang araw sa buhay ni Madir kaya halos hindi makagalaw ang aming mga kaparazzi na dumayo pa d’un para makakalap lang ng nakatutuwang iskup. Nagulat din ang lahat sa regalong ibinigay ni Mother Lily sa Mowelfund na P500,000 donasyon na tinanggap ni Ms. Boots Anson-Roa. Kita n’yo ‘yun? Si Madir pa ang nagregalo kaysa siya ang regaluhan? ‘Di bale, barya lang ‘yan kay Mother Lily sa dami ba naman ng pelikula niyang ipinalalabas taun-taon, eh! Kaya mula rito sa amin sa Pinoy Parazzi, maligayang kaarawan po, Mother! Bago pa tayo mapunta kung saan-saan, makilusob na tayo sa inihandang salu-salo ni Madir gaya ng ilang celebrities na bumati sa kanya. Ispluk!

Photos by Mark Atienza & Luz Candaba

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

3 thoughts on “Kaarawan ni Madir, nilusob!

  1. ang dami namang pelikulang naka-line up kay Nora sa Regal? di kaya pagsawaan ang superstar sa dami ng tinambak sa kanyang project ni mother Lily? ansking lang po

Leave a Reply

Your email address will not be published.