Kaanak ng mga Biktima ng MV Princess of the Stars, Umapela sa CA

UMAPELA ANG mga kaanak ng mga biktima ng lumubog na MV Princess of the Stars sa Court of Appeals (CA) na baliktarin ang desisyon nito na nag-abswelto kay Edgar Go bi-lang akusado sa kaso.

Base sa inihaing motion for reconsideration ng mga kaanak sa CA, iginiit nila na may sapat na probable cause para litisin si Go sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Serious Physical Injuries at Damage to Properties kaugnay ng paglubog ng barko, kung saan 300 ang namatay habang mahigit 100 ang nawawala.

Ipinaliwanag sa nasabing petisyon na malinaw naman at mismong kay Go nanggaling na direkta rin siyang in-charge sa vessel operation bilang vice-president for administration services.

May kakayahan si Go na magbigay ng direktiba sa kapitan ng MV Princess of the Stars para dumaan sa alternate route dahil na rin sa bagyo, giit ng mga ito.

Gayunman, sa halip na iutos umanong mag-iba ng ruta ang barko dahil sa bagyong Frank, sa halip pinag-ingat lang nito ang kapitan o magsagawa ng precautionary measures.

Samantala, iginiit sa petisyon na alam umano ni Go na ang pagdaan ng MV Princess of the Stars sa regular na ruta ay maaaring maglagay sa panganib sa mga pasahero.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Kaanak ng mga Biktima ng MV Princess of the Stars, Umapela sa CA

  1. Pingback: Kaanak ng mga Biktima ng MV Princess of the Stars, Umapela sa CA - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.