Kaalyado ni PNoy na dawit sa 2012 CoA audit, tutuluyan

TINIYAK NG Palasyo na ipupursige ng pamahalaan ang pagsisiyasat hanggang makasuhan din ang 22 pang mambabatas na nadiin sa annual audit ng Commission on Audit (CoA).

Sa naturang CoA report, nagbigay ng P100 milyong pork barrel ang mga nabanggit na mambabatas sa pekeng non-government organizations (NGOs) kung saan kabilang dito ang ilang kaalyado ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Kasama na rito sina Sen. Lito Lapid at Gregorio Honasan, Congressmen Lorenzo Tañada III, at Rey Umali ng ruling Liberal Party (LP).

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nananatili ang posisyon ng punong ehekutibo na depende sa ebidensya, kahit sino pa man ang madidiin sa kaso.

Sinabi ni Lacierda na dapat lang na maimbestigahan ang mga nasangkot na opisyal, kaalyado man o kalaban ng kasalukuyang administrasyon.

Inaabangan pa ang susunod na batch ng mga opisyal na kakasuhan ng DoJ/NBI dahil sa paglustay ng PDAF noong 2007-2009.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.