Kaalaman sa ‘rabies’, ituturo sa klase

UPANG MAKAIWAS at maagapan ang pagkalat ng ‘rabies’ sa isang taong makagat ng aso, ituturo sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lungsod ng Navotas ang mga sintomas o senyales sa mga mag-aaral.

Ito ay bilang bahagi ng selebrasyon ng Rabies Awarenes Month, na taunang ginaganap ng pamahalaan lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

Inatasan na rin ng alkalde si City Agriculture Joebe Gonzales, na makipag-ugnayan sa mga guro sa lahat ng pampublikong eskuwelahan sa lungsod upang idagdag sa kanilang klase at talakayin sa kani-lang mga mag-aaral hinggil sa mga sintomas o sen-yales ng rabies sa buong buwan ng Marso, 2012.

Sinabi pa ng alkalde, na kapag may kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa rabies ay alam agad nila kung paano mabigyan ng paunang lunas sa sinuman makagat ng aso.

Nakatakda na rin ang free rabies vaccination sa 14 na barangay sa lungsod. Sa kasalukuyan ay wala pang naitalang kasong ‘dog bite rabies’ sa lungsod.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.