Kaagaw sa Lupain, Pinugutan

MALAGIM ANG sinapit ng isang lalaki makaraang pugutan ng kapwa magsasaka dahil lamang sa agawan sa lupa sa Lamitan, Basilan.

Kinilala ang biktimang si Dizon Cuyog Sumayang, 67 anyos, ng Sitio Kahibaan, Barangay Balagtasan, Lamitan City.

Arestado naman ang suspek na si Edxel Tado Sta. Maria, 40 anyos, residente sa lugar at pangulo ng samahan ng magsasaka.

Ayon sa imbestigasyon, matagal nang magkaaway ang biktima at ang suspek kasama ang kanilang mga kaanak dahil sa ilang ektaryang lupa na pinag-aawayan umano ng mga ito sa lugar na nagsisilbing sakahan ng mga magsasaka na beneficiary ng Department of Agriculture (DA).

Ang suspek ang siyang tumatayong presidente ng grupo ng mga magsasaka sa ilalim ng programa ng DA na binibigay sa lugar.

Pasado alas-5 ng hapon noong Martes nang harangin ng suspek ang biktima dala ang isang mahabang bolo na ginagamit niya sa bukid.

Ilang saglit pa ay nagsigawan na ang dalawa nang bigla na lamang pagtatagain ng suspek ang biktima.

Pagkatapos ng krimen ay nakatakas pa ang suspek subalit sa kalaunan ay nahuli rin sa isinagawang follow-up operation kagabi ng pulisya sa lugar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.