Ka Freddie Aguilar, laos na kaya nag-iingay

NAKAKATUWA. Lahat ng mga kaibigan at kamag-anak naming matagal nang naninirahan sa Amerika at sa iba pang dako ng mundo ay nakakakomunikasyon namin nang dahil sa pahayagang ito.

Maaga pa lang ay meron na kaming text message mula sa pamangkin naming si Rene de Leon na nagtatrabaho bilang nurse sa Stanford Hospital sa San Francisco, “Ate Tenggol (kapag direkta kitang kadugo o kababaryo o kaibigan nu’ng aming kabataan ay ito ang palayaw namin—Tenggol), sino ba itong blind item mo?

“Kanina pa kami nahihirapang manghula. Sirit na! Maraming pasyente ngayon dito sa ER!” kadalasang tanong ng aming pamangkin.

Si Cita Mariano naman na matagal nang naninirahan sa Houston, Texas ay ganito ang kuwento, “Alam mo, Pinoy Parazzi ang kasama ko palagi dito sa Texas, napakaganda ng ganito na may website kayo, nakakaaliw ang tabloid n’yo, ang dami-dami n’yong ibinubuking!

“Feeling ko nga, para na rin akong correspondent n’yo, gusto kong magpadala ng controversial photos ng mga artistang nagpupuntahan dito sa Texas, kahit walang bayad!” kuwento ng aming kaibigan.

Maraming Pinoy pala ang naglilipatan ngayon sa Texas, matindi kasi ang tama ng resesyon sa California at Nevada, lalo na ang parte ng Sacramento kung saan kahit saang kalye ka mapadaan ay makikita mo ang sangkatutak na karatulang “house for sale.”

“Dito naglipatan ang mga kababayan nating matagal nang nakatira sa California and Nevada, feel na feel kasi ang recession du’n, napakaraming nagsasaradong kumpanya at magpunta ka sa mga malls, walang tao dahil mahirap nga ang buhay,” kuwento pa ni Cita.

Halos sabay na sabay ang opinyon namin ni Cita, kung tutuusin ay mas matindi ang resesyon dito sa Pilipinas, ang malaking bentahe lang nating mga Pinoy ay sanay na sanay na tayo sa hirap kaya hindi na bago sa ating pakiramdam at pandinig ang salitang recession.

May pahabol pa ang aming kaibigan, “Bastante ang buhay dito sa Amerika, pero there’s no place like home, hahanap-hanapin mo pa rin ang buhay diyan sa atin na tao tayo at hindi makina.”

Korek na korek.

ANG DAHILAN NG muling pagharap ni Freddie Aguilar sa mga camera ng telebisyon at sa mga manunulat ay ang bagong bukas niyang resto-bar na mula pa noon hanggang ngayon ay pinapangalanan niya ng Ka Freddie’s.

Pero kung negosyo ang hangad ng singer ay mukhang kumabyos siya sa paraan ng pag-iingay, maraming kababayan natin ang naiinis sa kanya ngayon dahil sa mga ginagawa niyang pamumuna sa negatibong paraan sa maraming personalidad na sumusikat sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nu’ng isang gabi lang ito, nakausap namin ang isang kaibigang mahilig gumimik para makinig ng magandang musika, madiin nitong sinabi sa amin na mas gugustuhin na lang nitong pumunta sa isang patakbuhing lugar kesa sa maglagi sa bagong establisimyento ni Ka Freddie.

Ang katwiran ng aming kaibigan, “Ayoko, nanenegahan ako sa mga ginagawa niya. After Arnel Pineda and Charice Pempengco, si Pacman naman ang pinagtitripan niya ngayon!

“Basta may sumikat na personality abroad, meron na siyang banat, palibhasa, tapos na ang maliligayang araw niya. Bakit ako pupunta sa isang place na ayoko ang may-ari?” makatwirang pahayag ng aming kausap.

Ganu’n pa naman tayong mga Pinoy, kapag hindi tayo kumportable sa isang lugar ay hindi tayo mag-aaksaya ng pera at panahon. Du’n nagkamali si Freddie Aguilar, negosyo ang nililinyahan niya, pero siya mismo ang nagtataboy sa ating mga kababayan para lumayo sa lugar na ipinang-iimbita niya.

Isang-isa lang ang maikokomento namin du’n dahil kontra rin kami sa pinaggagagawa ngayon ng may edad nang singer (na sana’y meron pang pinagkatandaan), Amen.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

24 thoughts on “Ka Freddie Aguilar, laos na kaya nag-iingay

  1. let me just add noh…sa You Tube andun videos ni freddie at ang anak niyang si Jeriko Aguilar na kumakanta ng “knockin’ on heavens door” ng guns n rose at “smoke on the water” by deep purple. pa ingles2x pa ito during the knockin on heavens door performance to think he’s just facing a filipino crowd. anong tawag mo dun? isn’t that hypocrisy at its finest?

  2. hay nako…mas ok pa ‘yong baliw kasi may gamot. pwede kang dalhin sa mental. may psychiatrist. pero ang INGGIT walang gamot ‘yan! kung si megan aguilar kaya ang kumanta sa Oprah baka halikan pa ni FA ang singit at paa ni Oprah.

  3. Bwakanang ama ka Freddie Aguilar masyadong basura yung mga kanta mo! iisa ang tema puro pang durugistang katulad mo kaya nag hihirap yang P’nas dahil sa mga taong katulad mo GAGO! baka pag pinakitaan ka ng dollars eh lumuwa yung mga mata mo at bigla kang kumanta ng English. Siguradong baka pati yung mga anak mong trying hard sa kantahan eh ibenta mo STUPID ASS!

  4. mang gagaya ka rin namang hinayupak ka eh. Yung style ng music mo eh kumita na yun’ ala- James Taylor na Kenny Loggins na pinag halong America, Seals and Crofts na may touch ng Crosby Stills, Nash and Young c’mon pare HALATANG HALATA ka lang na naiinggit!!!

  5. walanghiya ka Freddie Aguilar eh di ba yung attire mo eh parang western cowboy? dapat ang suot mo eh salakot na naka barong tagalog at saka naka bakya! tapos eh bandurya ang gamit mo dahil yun’ ang tunay na Pinoy!

  6. ANAK nang pating, bakit kasi inggit na inggit ka sa dalawang bata. Pasensiya ka na kung sikat na sikat sila at kumikita nang limpak limpak na salapi. ANAK nang tokwa naman.

  7. kate at mica

    laos na po siya. sige nga, itanong nu sa mga bata ngayon kung sino si ka freddie?

    naririnig pa nga kanta niya, pag linggo. pero di na gaanong naapreciate.

  8. at some point may tama rin naman si ka freddie. ang kaso pwede naman mag suggest lang siya na kumanta si charice ng philippine made na song hindi ung nag react sya ng gnun, kasi ang lumalabas insecure siya at naiinggit.

    oo na, nationalistic ka na. pero wag mong sasabihin na porket nag i-english e utak unggoy na. baka gusto mong magalit lahat ng OFW sau?! tsaka saan ka na ba pinulot ng pagiging nationalistic mo? mag-advice lang kasi wala ng negative comment at violent reactions…

  9. i agree wd mica…tama lng ang snbi n freddie aguilar nuh..at hnd sya laos na CRISTY like u…hnd malalaos ang 1 2lad nya kc anjan parn ang mga knta nyang 2nay na maipgmmlaki.
    FERMIN walang kwenta..!

  10. ..TAMA KA FREDDIE AGUILAR…kng iispin lng tlga ng mga my UTAK na tao..sbi ng reprter ky frddie “ano ang mssbi mo ky gn2 ky gnya?” sbi n frddie “wg nlang ky nega ang commnt q bka kng ano pa ang sbhin skn kng ssbhin q pa” ee kso pnilit ng reprter edi aun snbi nlang n ka freddie kng ano ang gs2 nyang sbhin….at amnn man natn o hnd,mskit mn e2 pra sa atin..ee 22o nmn tlga ang mga pngsasabi nya ee…

    ..at dun sa snbi n charice na hnd maiintndhan pg TAGALOG ang knnta nya edi sana ENGLISH ang knnta nya na ang composer or singer ee pinoy..my gosh!!kya hnd nppnsin mnsan ang mga pinoy ee,hnd kc mnsan nla pngmamalki ang gwa ng pinoy…

    • ..korek….

      at sa 22o lng..tama nmn lhat ng pngsasabi n ka freddie nuh….amnn mn o hnd…

      ..fermin epal ka tlga kht kelan…alm mo bang halos lhat ng tao ee glit na glit sau sa mga paninira mo…!!mrmi ang ngddsal na sna mmtay kna…!buti nmn at nwala ka sa dbuzz…

  11. Nang isilang ka sa mundong ito, laking hiya nang magulang mo at ang sabi, Freddie, bakit ka naman ganyan. Naku Ka Freddie. Kung tumahimik ka lang, siguro marami ka ngayong kustomer dahil ang ANAK ay
    mahilig awitin nang mga lashing. . . .na may problema sa buhay.

  12. ay naku, laos na laos na yang si ka fredie. talangka rin pala ang utak nya. ano gusto nya? na gagayahin lang sya ng mga baguhang singers? dwoys ko ang gurang na to! umayos ka!

    kanya-kanyang style ang artist. kung gusto nyang kumanta ng bahay kubo, e di kumanta sya. bakit gusto nya igaya sa kanya ang iba? ano sya? national artist? ano ba ang inabot ng anak? umabot ba sa billboard yan? e si lea salonga unggoy din pala!!

    si ka fredie ang tunay na unggoy!!!!! ay, inggit pala.

  13. one thing for sure he is insecure, na-iingit sa tagumpay ng iba abroad, he is an example of a crab mentality…..ginagamit lang nya kuno ang kanyang “pagkamakabayan”…..he is showing such a “LOSER” attitude……parang napaka-just nya para sabihin ang “Monkey” word…..”MR AGUILAR YOU”RE A SKUNK”

  14. Amen! nabwisit rin ako kay Ka Freddie dahil lumalabas na sobrang INGGIT lang siya dahil sikat na si charice at iba pang singers hindi tulad niya na lubog na. Mas maganda siguro kung nag plug na lang siya sa mga radio or tv stations ng kanyang resto kuno para hindi siya naging nega sa mga tao. O ngayon, naging masama pa siya sa maraming tao. Ka Freddie, just be proud of your Kababayans ..

Leave a Reply

Your email address will not be published.