K+12 System, Niratipikahan na sa Senado

NIRATIPIKAHAN NA sa Senado ang Senate Bill 3286 o ang Enhanced Basic Education Act of 2012 na tumatalakay sa bagong K+12 system.

Ang nasabing panukala ay naglalayong maiangat ang kasalukuyang basic education system sa pamamagitan ng pagpapalakas ng curriculum at pagdadagdag ng dalawang taong pag-aaral.

Ang nabanggit na dalawang taon ay idadagdag matapos ang four-year high school program. Tatawagin itong Senior High School.

Ang Grade 11 naman ay sisimulan sa school year 2016-2017 habang ang Grade 12 ay mag-uumpisa sa school year 2017-2018.

Samantala, ang unang batch ng high school students na sasailalim sa K+12 ay magtatapos sa Marso 18, ayon sa gobyerno.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.