K-Pop Supertar Nichkhun, tumulong sa mga nasalanta ng lindol at bagyo

Nichkhun“I JUST want to wish all the victims from all the typhoon and the earthquake. “ Ito ang naging pahayag ng Bench Global Benchsetter at member ng sikat na Korean boyband na 2PM na si Nichkhun nang bumisita sa bansa kamakailan para sa kanyang ineendorsong clothing line.
Dagdag pa nito, “I want you guys to hang in there and stay strong and I’m sure that everything will clear up and you’ll just be fine and better than before. So keep your hopes up and never give up.”

Balita nga namin, ito mismo ang boluntaryong tumulong sa mga nasalanta ng lindol sa bohol at ng bagyong Yolanda sa Leyte at sa iba pang parte ng Visayas at Mindanao na nasalanta ng bagyo through Bench.

Sandali man daw itong nag-stay sa Pilipinas, nangako naman itong babalik muli sa bansa nang mas matagal para na rin subukan ang mundo ng showbiz dito at nang makapag-promote din ng Bench nang matagal at makapiling ang kanyang mga avid fans.

 

HINDI NAGDALAWANG-ISIP na mag-guest sa newest game show ng TV5 na Killer Karaoke si Ogie Alcasid, kahi’t alam nitong may challenge siyang gagawin dahil na rin sa kaibigan at kumpare nitong si Michael V. na siyang host ng nasabing show.

Isa nga ito sa naging espesyal na panauhin na game na game na kinukuryente habang kumakanta ng “Pusong Bato” na mapapanood sa Nov. 18, 8:30pm, na siyang pilot episode ng Killer Karaoke.

Tsika nga ni Ogie na medyo matagal-tagal na rin daw silang hindi nakapagtrabaho ni Michael V. Pero hindi naman daw naputol ang kanilang komunikasyon dahil palagi pa rin naman daw silang nag-uusap through phone at nagkukumustahan.

Bukod kay Ogie, mapapanood din sa 1st episode ng Killer Karaoke sina Shalala, Eula Caballero, Arci Munoz at Jace Flores na pare-pareho ring game na game sa challenges na ibinigay sa kanila ng show.

 

WIN OR loose ay okey lang daw sa mahusay at awardwinning Actress na si Ms. Sylvia Sanchez sa nalalapit na PMPC Star Awards for Television na gaganapin sa Nov. 24 sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City sa ganap na 6pm.

Para kay Ms. Sylvia, isang malaking karangalan daw para sa kanya na mabigyang-pansin ang kanyang pagganap sa top-rating show ng ABS-CBN, ang “Be Careful with My Heart” at ma-nominate for Best Supporting Actress For Television.

Kung saan makakalaban nito sa nasabing kategorya ang equally mahuhusay na actress na sina Amy Austria/ Lorenzo’s Time/ ABS-CBN 2; Angel Aquino/ Apoy Sa Dagat / ABS-CBN 2; Gina Pareno/ Juan Dela Cruz/ ABS-CBN 2; Glydel Mercado/ My Husband’s Lover/ GMA-7; KC Concepcion/ Huwag Ka Lang Mawawala/ ABS-CBN 2; at Susan Roces/ Walang Hanggan/ ABS-CBN 2.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “K-Pop Supertar Nichkhun, tumulong sa mga nasalanta ng lindol at bagyo

Leave a Reply

Your email address will not be published.