K-La Rivera, sinundan si Tom Rodriguez sa Siyete

K-La-RiveraLUMIPAT NA sa GMA 7 ang rumored girlfriend ni Tom Rodriguez na si K-La Rivera. Nang i-welcome siya sa Sunday All Stars (SAS) kamakailan, ipinakilala siya sa bago niyang screen name as Kaye.

“Kasi rito po sa GMA, may names na similar kay K-la,” paliwanag niya na ang tinutukoy ay ang Kapuso stars na sina Kyla at Kylie Padilla. “At least ‘yong Kaye, medyo malapit din po sa pangalan ko. So… ‘yon po!”

Kahit regular na siyang mapapanood sa SAS, hindi pa raw masasabing official na Kapuso na siya. Hindi pa raw kasi nagkakasarahan ng negotiation sa panig niya at ng management ng GMA. “We’re in the process na po. Yes.”

Bakit niya napagdesisyunan na umalis sa ABS-CBN at lumipat nga sa GMA?

“Kasi ‘yong bago ko pong manager is really from GMA. So, ‘yon… I’m happy to be part Sunday All Stars and Carmela po.”

Naging finalist siya dati sa Star Power ng ABS-CBN kung saan si Angeline Quinto ang nanalo. Pagkatapos nito, naging VJ siya ng MYX sa Studio 23. Regular din siyang naggi-guest sa ASAP at iba pang shows ng Dos. Lumabas na rin siya minsan sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Tungkol sa kanyang paglipat sa GMA, maayos naman daw siyang nagpaalam sa Star Magic na dating nagma-manage ng career niya.

“Natutuwa ako na maganda naman ang pag-welcome sa akin sa GMA. I’m excited naman din for whatever will be ahead of me dito po sa GMA.”

May naging disappointments ba siya sa ABS-CBN?

“Of course not. Uhm… I was very grateful naman with whatever I experienced habang nando’n po ako. And I understand naman that I mean… there’s already the built stars. So, of course, I mean… wherever there’s work, that’s where I’ll be.”

Bukod sa SAS, nagsimula na rin siyang mag-taping bilang karagdagang character sa Carmela, ang primetime series na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

“Actually, masaya. Masaya po. First time na magsama kami sa trabaho ni Ms. Marian. And sobrang bait naman niya pati lahat ng iba pang stars at ‘yong buong production staff.”

Hindi kaya ninais lang niyang sundan sa GMA si Tom? O kaya ay inengganyo siya nito na maging Kapuso star na rin?

“Hindi naman po. Kasi inisip ko lang po, wherever I can sing and do whatever I love doing, that’s where I’ll be na lang po.”

Ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa ni Tom?

“Kasi actually, I would prefer to keep my personal life just kind of… to myself. I mean… that’s the only thing that doesn’t come out on camera.  So kung tungkol sa personal life ko po, sa akin na lang ‘yon.”

Bakit may tsismis na nagli-live in na sila?

“Hindi po. My family is in Canada. So, I’m here on my own. Baka ‘yong mga balita na ‘yon, it will start talaga.  Pero of course, I have my own place. Kami ni Tom… we’re friends naman. Of course, I mean… we’ll see each other once in a while.”

Are they exclusively dating?

“I don’t know. I mean… I keep my personalife po!” tawa na naman niya. “I want to keep it private sana. Kasi I think in general lang, I mean… anything in life, if more people get involved, the more complicated it is. So, I mean…  whatever I have, gusto ko sana na that would be kept to myself. Para at least there is no complication.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.