K Brosas, natural na ang pagpapatawa

K-BrosasMAY MGA artista na hindi ko man kadugo pero kung ituring ko ay higit pa sa isang kaibigan. Isa na rito si K Brosas. Ilang taon na kaming magkakilala ni K pero ni minsan ay hindi ako nabagot kapag kausap siya. Kuwelang kausap si K. Kahit may mga pagkakataon na seryoso ang usapan ay tiyak na hindi matatapos ang araw na hindi magbibitiw ng punchline si K just to lighten the mood of everyone.

‘Ika nga, natural na kay K ang pagpapatawa. As everyone knows, she started as a singer-host in comedy bars. Kahit 14 years na siya sa industriya ay aminado pa rin siya that she still gets her kicks performing regularly in places like Zirkoh and Klownz on a weekly basis. Kahit nga sa kanyang mga skits, K does not follow a script dahil mas gusto niyang spontaneous siya when it comes to comedy.

Kaya naman isa si K sa mga paboritong performers here and abroad. “I’m so blessed. Ang daming shows abroad, puro tours. Nagtataka nga rin ako kung minsan kasi kahit hindi ako nakikita regularly sa TV, malakas pa rin ang hatak ko abroad. Malaki ang market. ‘Di ako nawawalan ng trabaho at corporate shows. Overwhelmed ako. Siguro dahil hindi relationship ang priority ko, since hindi ako doon naka-focus, puro trabaho ang binibigay ni Lord.”

Hirit pa niya, “Mas mabuti na rin iyon kasi nganga ‘pag walang trabaho, ‘di ba?”

K hasn’t been in a relationship for the last eight, going on nine, years. Not that K is actively looking for love. “Nagtataka na nga rin ako, walang lumalapit, walang textmate man lang,” biro niya. “May mga nakikilala ako sa abroad pero walang ka-chika.”

Sa ngayon ay mas pinagtutuunan niya ng pansin ang kanyang 16-year old daughter. K is definitely a hot mama. A few years ago, K posed for a men’s magazine at pinatunayan niyang hindi lang siya marunong magpatawa pero kaya rin niyang magpa-sexy.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.