K Brosas is obsessed with Andrew Wolff!

 

BLIND ITEM: TINATANONG kami ng isang kaibigan kung maligaya ba ang isang guwapong aktor sa piling ng misis nitong artista rin.

Sabi ko naman, oo. Dahil ‘pag napapanood naman namin pareho sa TV ang dalawa, parang kainggit-inggit ang kanilang relasyon, lalo na ‘pag nakikita namin ang buong pamilya nila.

Baket ba?

“Eh, ito kasing lalake, tawag nang tawag sa friend ko,” at ito raw ay anak ng isang kilalang personality.

Baka naman super friends ‘yung dalawa?

“Hindi, no! Humihingi ng date eh, me boyfriend ‘yung girl. Pakisabi mo naman sa kanya, ‘wag nang makulit!

“Nakakahiya naman sa misis n’ya. Kung ako sa kanya, hindi na ko maghahanap ng iba. Eh, ang ganda-ganda ng misis niya at mabait pa.

“Ano kaya ‘yun? Nasa midlife crisis na ba siya at nabo-bore na siya sa buhay n’ya?”

Kahit daw yung babaing kina-career ng guwapong aktor ay nahihiya sa misis nito, kaya super iwas din ito.

Hay, nako. Sana, hindi ito totoo. Dahil ‘pag nagkataon, hindi ito okay-okay.

 

TUMAWAG SI BOSS Vic del Rosario sa amin 3 days ago. Humihirit pa siya sa amin ng repeat ng concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum at meron na siyang date: August 26.

Baka malabo na ito, dahil si Vice, talagang once a year lang kung mag-concert para meron pa ring mystery.

“Sobrang lakas eh. Sana, masundan agad. Mag-iiba naman tayo ng line up. Nandiyan na si Sarah Geronimo at Anne Curtis,” sabi pa ni Boss Vic.

Eh, sabi namin kay Boss, if ever, baka mabinbin na naman ang shooting scheds ni Vice para sa shooting ng Viva movie, eh meron na itong playdate sa September at gusto na itong tapusin ni Vice para ma-feel nitong marami na siyang naa-accomplish.

Kaya natatawa kami sa intri-gang galit si Boss Vic ke Vice eh eto nga’t humihingi pa ng repeat.

 

NAALIW KAMI SA isang nakasalubong naming batang mga 5 years old sa Festival Mall Alabang nu’ng um-attend kami ng isang kid’s party.

Parang pinamumukha niya sa aming kaya niyang awitin ‘yung isang linya sa Happy, Yipee, Yehey!, ‘yung “Saktoooo!!! Wa-aawwww!” nang paulit-ulit.

Gusto naming mairita, pero mas naaliw kami, dahil at least, nagkaka-recall na ang ipinauuso ng HYY at heto nga’t pati bata, ginagaya na rin pati ‘yung kum-pas ng kamay.

Alam naming kumakain pa rin ng alikabok sa Eat Bulaga ang “HYY,” pero at least, improving sila, huh!

 

CRUSH NA CRUSH pala ni K Brosas si Andrew Wolff, kaya ‘yun ang bumulagang sorpresa sa kanya sa E Live last Saturday.

Pero parang takot pang ma-inlab si K, dahil mas importante sa kanya ang damdamin ng kanyang anak.

“Gusto ko munang maging beauty queen ang anak ko, kaya tutok muna ako sa kanya.

“Saka ayoko muna ng lalake sa buhay. Baka sumakit ulo ko, mare, eh mas gusto ko nang ganito.

“Ipon muna ‘ko dahil gusto kong magkabahay muna ko, ‘no! Ang lalake, nand’yan lang!”

Pero umiyak on cam si K, “’Pag si Sir Boy (Abunda, her manager) talaga ang nagsasalita, naiiyak ako! Sobrang love ko ‘yan!”

 

Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang aming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

10 thoughts on “K Brosas is obsessed with Andrew Wolff!

  1. kapamilya ako pero nanonood din ako ng EB dahil kina wally at jose. Buti na lang at nauso ang DVR at tvo kaya pwedeng manood ng 2 show ng sabay. Hindi maganda sa katawan ang palaging kunsumido dahil pwede kang magkasakit sa puso.

  2. @mercy, what do u care? di naman kayo pinipilit manood kung di nyo gusto. Meron kang remote control, gamitin mo. Wala kayong bukang bibig kundi eat bulaga, eh dun na nagkauban sina tito,vic and joey. Si wil time big time, di rin naman makapantay sa tv patrol. Hay nako! ang hirap ninyong i-please.

  3. wlang pagbabago ang hyy puro ka artehan at ka baduyan kaya ndi tumattaas ang ratings nila 26%eat bulaga samantalang ang hyy ay 6% lang kaya dapata palitan na nakakahiya lang kahit sinong ilagay ninyo dyan kahit si charo pa wlaey talaga talagang si wil lang hahahahahaahaha kaya wil time big time na lang kyo hahahahha..

  4. Wag mong masyadong i exposed si VICE sa mga concert na ganyan madaling maumay ang mga tao, hindi SUCCESSFUL ang concert ni Vice hindi nabenta ang mga ilang tickets niya dati. Tapos ipapasok pa siya sa HYY at andun pa siya sa SHOWTIME. BAKA after 2 years laos na yan. Madaling magsawa ang mga tao kung ANG TANGING TALENT LANG AY PAGBIBIGAY NG MGA JOKES.

Leave a Reply

Your email address will not be published.