K-12 Bill, Isinabatas na

ISA NANG ganap na batas ang kontrobersyal na K-12 program ng Department of Education (DepEd).

Miyerkules ng umaga, nilagdaan ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang Enhanced Basic Education Act of 2012 na nagdaragdag ng dalawang taon sa dati’y 10-taong basic education program sa Pilipinas.

Sa ilalim din nito, gagamitin ang mother tongue o ang kinagisnang wika sa pagtuturo mula kinder hanggang grade 3.

Tiwala ang Pangulong Aquino na malaki ang maitutulong ng K-12 program sa pagtataas ng kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa bansa.

Sa kanyang na-ging talumpati, ipinagmalaki rin ng Pangulo ang aniya’y patuloy na pagtaas ng pondo sa edukasyon simula nang siya’y maupo sa puwesto.

Ngayong 2013 aniya, nasa P232 bilyon ang inilaan sa edukasyon.

Samantala, na-kibahagi naman sa seremonya ng pagsasabatas sa K-12 Bill sina DepEd Secretary Armin Luistro, Senador Ed Angara na may-akda ng batas at iba pang senador at kongresistang nagsulong sa panukala.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.