Juvenile Justice Act, Amyendahan vs Drug Cases – Sotto

NAGPAHAYAG NG ALARMA si Senate majority leader Vicente Sotto III sa mga ulat kaugnay sa modus operandi ng mga drug syndicates, kung saan ginagamit ngayon ang mga menor de edad sa kanilang illegal drug o-perations.

Bunsod nito, isinusulong na rin ng mambabatas ang panukalang amyendahan ang kontro-bersiyal na Juvenile Justice Act, sa layuning babaan ang age exemption sa criminal responsibility sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

“But that is the problem now confronting the country’s drug enforcers and the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) because whenever they apprehend drug users and pushers aged between 15 to 16, they cannot even interrogate them. Most of the times, the lawyers of the drug syndicates they’re working for would immediately come to their rescue,” ayon kay Sotto na dating chairman ng Dangerous Drugs Board.

Ikinabahala pa ng opisyal ang datos na mahigit 50 porsyento ng mga nahatulan sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs ay patuloy pa rin ang kanilang operasyon kahit nakakulong na ang mga ito.

Isinusulong din ng senador ang pagtatag ng isang national penitentiary para lamang sa mga drug crimes para mabigyang ngipin ang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na droga.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.