Justin Timberlake at Jessica Biel, ngayong taon magpapakasal!

ONE STEPcloser na lang ay malapit na ring mauwi sa kasalan ang relasyon ng dating boyband cutie na si Justin Timberlake sa kanyang longtime girlfriend na si Jessica Biel.

Last December ay naging engage sina Justin at Jessica pero last Saturday ay naganap ang isang pabolosang engagement party ng dalawa sa California home ng kaibigan ni Justin na si HomeMint collaborator na si Estee Stanley.

Naging formal daw ang naturang party at ang pamosong Wolfgang Puck Catering ang siyang naghanda ng pagkain.

Ilan sa mga naging guest ng black tie and cocktail dress party nina Justin at Jessica ay ang ilang ka-band member ni Justin at malalapit sa dalawa tulad nina Lance Bass (na later on ay umaming bading at karelasyon ngayon ang isang Reichen Lehmkuhl), JC Chasez, Trace Ayala, Ellen DeGeneres, Portia DeRossi at Amy Adams.

Earlier this month, namataan sina Biel at Timberlake sa isang Eli Halili jewelry boutique sa New York na nagka-canvass ng wedding band.

Nakatakda ang pagpapakasal ng dalawa ngayong taon.

 

DEMI MOORE AT ASHTON KUTCHER BOUND FOR RECONCILIATION?

 

MULI NGA bang magkakabalikan sina Ashton Kutcher ang jowa nitong si Demi Moore?

Namataan kasi ang dalawa na magkasama sa birthday party ng nag-officiate ng kanilang kasal at balitang nag-uusap na raw ang dalawa para sa kanilang future whether it’s for reconciliation o tungkol sa kanilang divorce.

Ayon sa isang source, “They have met up to discuss where to go next. Whether it be to divorce, or if there is a journey to travel together… they both feel it’s important to have spiritual guidance to accomplish it. I know they met up with Rabbi around the time of the Gemini New Moon last Monday, it signifies a time of new beginnings, especially when it comes to communication, so they met again before the party, at least once, maybe twice. The idea was to discuss, where do they go from here. They’re by no means getting back together but equally no decision has been made to end things for good so everything is to play at this stage.”

 

AFTER MAHULI SA KASONG DUI, AMANDA BYNES NAKA-HIT-AND-RUN NAMAN!

 

DAPAT NA ngang tanggalan ng lisensya ang “She’s The Man” star na si Amanda Bynes!

Last April 6 lang kasi ay nahuli ang aktres at inaresto sa kasong DUI at kaila-ngan niyang umapir sa korte sa June 6 para sa kanyang DUI case. Pero ilang linggo pa lang ang nakalilipas ay mukhang follow-up appearance na naman ang aktres dahil na-involve naman ito sa isang hit-and-run!

Ayon sa report, gamit ang isang rented series 5 BMW ay nahagip diumano ni Amanda ang isang sasakyan sa 101 Freeway. Hindi raw huminto ang sasakyan at humarurot daw ng alis ang sasakyan. Subalit sinundan daw siya ng driver ng nabanggang kotse at napag-alaman nito kasama ang isang California Highway Patrol na si Amanda ang driver ng rented BMW.

Suwerte pa rin daw ng aktres dahil nong i-refer daw ang kaso ni Amanda sa isang filing officer sa El Lay City Attorney’s officer, agad din itong na-reject dahil walang maipakitang kahit isang witness ang driver na makapagpapatunay ngang si Amanda ang culprit ng aksidente.

Pero maaari pa rin naman daw mabuksan ang kasong ito once na mag-umpisa na ang DUI case nito ngayong June.

 

SEAN KINGSTON, IDIDEMANDA NG LANDLORD

 

LAMLAM NA nga ang career ay demanda pa ang kinakaharap ngayon ng “Beautiful Girl” singer na si Sean Kingston.

Ididemanda kasi ang 22-year old singer ng kanyang former landlord dahil sa paninira nito ng kanyang nire-rentahang mansion.

Ayon sa landlord ni Sean ay iniwang sira ng singer ang mga ilaw ng kanyang $25,000/mo mansion. Pinagbubutas din daw ng singer ang wall ng mansion at sinira pa nito ang waterfront dock.

Tumataginting na $73,816.85 daw ang dapat babayaran ng singer sa kanyang landlord na kabilang dito ang ilang buwang ‘di nabayarang renta.

Umariba ang career ng Florida native na si Sean sa kanta niyang “Beautiful Girl” na sumikat noong 2007.

 

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Comments are closed.