JUSTIN BIEBER, TINALUPAN SA INTERNET!

KALAT NA AT pinagpasa-pasahan sa Internet ang hubad na larawan ng international singer na si Justin Bieber. Pero mukhang edited ito at ginamitan ng Photoshop, comment ng marami, lalo na ng mga fans at follower ni Justin. Kaya naman ginagawang biruan at katatawanan na lang ito.

TUMUTOK SA TWEETSERYE ng Tweetbiz Insiders ang libu-libong fans ng Xlr8 sa isang linggong day in a life story ng grupo. Excited na rin ang kambal at instant celebrity singer na sina MJ at MM Magno ng grupo sa darating na P.pop concert nila sa Aliw Theater.

Nagsimula ang dalawa sa Master Showman bilang twin sensation at nagkahiwalay ng landas ng lumipat ng network si MM, hanggang sa dumating ang Xlr8 at muli silang nagkasama.

Sa tahanan ng magkapatid sa Laguna, ipinakita nila kung gaano na kalayo ang narating nila mula ng maging miyembro sila ng Xlr8. Katunayan, isang malaking kuwarto ang inilaan nila para sa mga souvenirs na ibinibigay ng mga fans nila. Ginawa nila itong memorabilia room para ma-treasure daw nila ang mga pinaghirapan ng kanilang fans.

Composer at singer si MJ at ilan sa songs nila sa album ay siya ang may gawa. Dancer at model naman si MM. Siya ang nagtuturo ng fashion at hair style sa mga kasamahan nila sa Xlr8.

Sa April 1, magpapasabog na ang P.pop sensation ng Viva. Magsasama-sama rito ang Pop Girls, RPM at Xlr8.

Marami ang humuhula na ito na raw ang first at last performance ng grupo dahil aalis na raw si AJ (kapatid ni Aga Muhlach) at Aki, na lilipat daw sa Kapatid Network para sa remake ng Bagets.

MALUNGKOT SI NONITO Donaire dahil marami sa kaibigan niya sa Japan ang hindi pa rin daw niya nakakausap. Umaasa siya na walang nangyari sa mga ito during Japan’s worst disaster…

Naloka si Kris Aquino nang magkita sila ni Arnold Clavio at Sen. Chiz Escudero sa Habitat for Humanity event nu’ng Sabado. Nanahimik daw si Arnold sa mga biro at pasaring ng Presidential sister…

Mas pinalaki at pinalawak na ang balitaktakan sa Tweetbiz Insiders, kunsaan hosts sina Gelli de Belen, Lolit Solis at Tim Yap. This week, ipapakita sa ‘Day In A Life’ si Aljur Abrenica. Every Monday, Tuesday, at Wednesday ‘yan 7:00 pm, sa GMA News TV.

TWITMOZZO
BY GARY DE LEON

loading...

2 thoughts on “JUSTIN BIEBER, TINALUPAN SA INTERNET!

  1. Pingback: Jen and Jake’s Engagement Brings Morocco to Palm Beach | Latest Celebrity News

Leave a Reply

Your email address will not be published.