Justin Bieber, not worthy of adulation?!

 

OLA CHIKKA NOW na!! Oh, no… oh, yes! Now na!!! Don’t make your Monday a blue Monday… Simulan natin ngayon dahil kahit ako naiintriga kung ilang months na ba talaga ang pinagbubuntis ni Regine Velasquez sa kanyang asawang si Ogie Alcasid, na talaga namang nakita ng ating kaparrazi na hindi mukhang apat na buwang buntis ito… mukhang 6 na buwan nang buntis, dahil nga sa napakalaking tiyan nitong si Regine. At lumaki din talaga siya ano?

Kaya sa tingin ng mga kaparrazi natin, eh ‘di nu’ng bago sila ikasal ay buntis na itong si Regine.

Alam ko na ang mga eksenang ito. Ganu’n din ang nangyaring eksena kay Sharon Cuneta, ‘di ba?

Abangan na lang natin kung kailan ilalantad na ma-nganganak si Regine… kung tama ang hinala ng mga kaparazzi natin.

 

AT HETO NAMAN ang mas nakakalokang isyu. Dahil nga noong nakaraang Linggo, marami ang nagkakagulong fans ni Justin Bieber, na talaga namang kinababaliwan ng mga kabataan. Ang tanong, dapat ba nilang idolohin si Justin lalo na sa mga ipinakita niyang attitude problem dito sa ating bansa, na kararating pa lang niya, nakakalokang eksena talaga ang ipinakita niya, ‘di ba?

Ayan dapat ba talagang tularan ‘yan ng mga fans niya? Kaya kung ako sa kanila na alam naman pala ni-lang 17 years old pa lang itong si Justin, dapat hindi muna nila pinayagang rumatsada ang bata, na pinalalabas nilang masakit lang ang ulo kaya may attitude problem ito.

Hmmp! Kaya payo lang sa mga kabataan, mamili kayo ng iidolohin n’yo, dahil hindi magandang pangitain ‘yan. Kaya kung ako sa inyo, ang iidolohin ko na lang ay si Enchong Dee, kahit pa napapabalitang bading ito… ‘di ba? ‘Yun na!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong male TV host na ‘to na talagang ubod ng kayabangan? Dahil nga sa mga eksena niya nu’ng nakaraan, may nag-text sa aking kaparrazzi natin, at ito ang kwento niya.

Si male TV host kasi ay muntik na palang makulong sa ibang bansa… ooopsss… bakit? Anong kaso? Dahil sa human trafficking daw!

Ay, nakakaloka! May gano’ng eksena? Nakakahiya naman itong male TV host. Buti na lang may biglang tumulong sa kanya para maareglo ang kaso. Isang kilalang politician ito na katiket ni male TV host.

Ayan ha, areglo agad. Hindi talaga siya pinabayaan ng politician, ‘noh? Kahit saan mapunta ay may ganu’ng eksena talaga. Tutulungan kahit ano pa man ang ma-ging kaso… ‘yun na!!! Maloloka ka talaga sa Earth!

 

Kaya kung ako sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

One thought on “Justin Bieber, not worthy of adulation?!

  1. huwat enchong dee? isa din yang arrogante sa mga fans nya kala mo kung sinong super sikat. di nakalimutan ng ibang fans nya, yong pinasabog nyang ktext na chongdees lang importante sa kanya. May itinatago din itong masamang ugali …kaya salamt sa ktext nya dahil kami ay gising na gising na sa tunay nyang kulay. gimikero kala mo sinong gwapo! yucks

Leave a Reply

Your email address will not be published.