Justice system sa PH, tinawag na ‘wheelchair society’ ng arsobispo

SINABI NG isang arsobispo na nagiging kaugalian na sa justice system ng Pilipinas ang “wheelchair society” at pagkakasakit ng mga indibidwal at opisyal ng gobyerno na inaakusahan ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.

Binanggit ni Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz ang pagkakasakit at pagpapa-opera ni Janet Lim-Napoles na inaakusahang mastermind ng 10-bilyong pisong PDAF scam.

Unang naging kasapi ng wheelchair society si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sinundan ni dating chief Justice Renato Corona.

Bagama’t welcome development ang paghahain ng kaso kontra kina Senador. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr. sa pagkakadawit ng mga ito  sa 10 bilyong pork barrel scam, duda si Archbishop Cruz na mapapanagot ang mga dawit dahil na rin sa bagal ng justice system sa Pilipinas.

Bukod sa political move na ito ng pamahalaan, doble ring pasanin ng publiko kapag nakulong ang mga akusado dahil pondo pa rin ng taong bayan ang gagamitin dahil ikinukonsidera silang mga high profile.

Sa ngayon, ang pamahalaan ang nagbabayad ng medical services ni Ginang Arroyo na naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center.

Ayon naman sa PNP, mahigit sa P100,000 ang nagagastos kapag inilalabas ng kulungan ang negosyanteng si Napoles habang P3,000 sa kanyang pagpapa-checkup at hindi malinaw kung pamahalaan din ang mababayad sa pagpapa-opera nito.

Napailing lamang si Archbishop Cruz na daan-daang libong piso ang ginagamit ng gobyerno sa mga high profile na preso habang P50 lamang kada araw ang pondo sa mga karaniwang bilanggo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.