Justice on Wheels, Inilunsad sa Navotas

INILUNSAD ANG Enhanced Justice on Wheels (EJOW) sa lungsod ng Navotas, upang maiangat ang hustisya at ma-bigyan ng serbisyong legal ang mga preso sa piitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Navotas City Jail, kamakailan.

Ang nasabing okasyon ay pinanguhan ni Navotas John Rey Tiangco at Navotas Rep. Tobias Reynald Tiangco, na dinaluhan din nina Supreme Court Associate Justice and EJOW Committee Chairperson Mariano C. del Castillo; Hon. Fiscal Jorge Catalan; Assistant Court Administrator Jenny Lind-Adecoa Delorino at Hon. Judge Job Mangente.

“The program is expected to provide easy and fast resolution to pending cases in our metropolitan trial court and since the city only has one trial court, this program will surely help many Navoteños whose cases may be decided upon today by the series of hearings lead with the assistance of Malabon Regional Trial Court,” ayon pa sa alkalde.

Kasabay nito, inaasahan din ng lungsod na maaprubahan ang House Bill 04471 na pinanukala ni Cong. Tiangco, na nagsasaad na magkaroon ang lungsod ng 3 karagdagang sangay ng Regional Trial Court at 2 sangay ng Metropolitan Trial Courts.

“Amending for the purpose Section 14, Paragraph (D) and Section 27 of Batas Pambansa Blg. 129, otherwise known as ‘the Judicary Reorganization Act of 1980’ as amended, and appropriating funds therefore. The bill has been approved by the House of Representatives last May 23, 2011 and has been endorsed to the Senate of the Philippines for approval on May 23, 2011,” dagdag pa ng mambabatas.

Ipinaliwanag din sa mga opisyal ng barangay ang hinggil sa paghawak ng mga kaso na hangga’t maaari kung maliit lamang ay maayos na ang kaso sa barangay.

Sinabi naman ni SC Associate Justice Del Castillo, na simula 2004 nang ilunsad EJOW, ay nakapagpalabas na ng 6,727 preso, 13, 370 ang na-dismiss sa pamamagitan ng pagkakasundo, at nakagawa ng medical at dental sa 14,699 preso, libreng lektyur sa 20,347 barangay at opisyal ng barangay.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.