Pulandit: Justice, nangingikil ng P30M! (Ituwid Natin)

MAHILIG DIN NAMANG makibakas sa pagtutuwid itong dating Namfrel Chairman at Brgy. Forbes Chairman Joe Concepcion.

Napasama siya one time sa terorismong “Ituwid Natin” na ginagastusan ng gobyerno ng halos P4 million a day. Baka magtaka kayo kung paano umabot sa ganitong kalaki ang kuwenta ko.

Palaging sumisingit sa TV Patrol ang “Ituwid Natin” na prime time slots. Ibig sabihin, hindi bababa sa P280,000 ang bayad kada tatlumpung segundo. Ang average na labas nila ay 3-5 minutes.

Sa Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN din, pumapasok ang pagtutuwid ni Toni Gonzaga. Dahil hindi primetime ang morning show, posibleng nasa P180,000 per 30 seconder lang ang bayad. More or less, mga 5 minutes ang airing.

Sa lahat ng radio station, AM at FM, sumisingit din bigla ang serye na ito ng gobyerno.

Ang DZMM, DZBB, DZXL  at DZRH ang pinakamahal na ad placement. Marahil ay hindi bababa sa P23,000 per 25 seconds ang ads sa DZMM sa mga primetime.

Sa FM, mahal ang placement sa Energy FM, Star FM, WRR, Yes FM at WLS FM.

Kayo na lang magkuwenta kung magkano ang gastos para kayo na rin ang magtuwid. Kaya Mass Communications ang kurso ko sa kolehiyo, dahil mahina ako sa kuwentahan.

Hindi nga lang ako magulangan sa sukli!

Pulandit
Allan Encarnacion

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.