Justice Hall sa Tacloban, Binulabog ng Bomb Threat

BALIK NA sa normal ang transaksyon sa Bulwagan ng Katarungan sa lungsod ng Tacloban matapos makatanggap ang kani-lang mga empleyado ng magkahiwalay na bomb threat.

Lumalabas sa blotter ng mga awtoridad, unang nakatanggap ng tawag si Apple Geredilla mula sa hindi nakilalang lalaki na nagpakilalang opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Manila kung saan sinabi nitong may itinanim na bomba sa nasabing tanggapan.

Hindi umano kumibo si Geredilla sa kanyang natanggap na natawag.

Ilang minuto naman ang nakaraan, muling tumawag ang lalaki na nasagot naman ng empleyadong si Bimboy Go kung saan pinalilikas na ang mga ito dahil sasabog na umano ang naturang bomba.

Dahil dito ay agad na tumawag ng saklolo ang mga empleyado sa mga kapulisan dahilan upang rumesponde ang Explosive Ordinance Disposal Team (EODT) kung saan kanilang napag-alaman na walang bomba sa gusali.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlan ng salarin at kung ano ang motibo nito.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.