Justice del Castillo, pinapa-impeach na rin

 

PINAGTIBAY NA ng House committee on justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mariano del Castillo.

Sa botong 38-10, nakitaan ng probable cause ang reklamo laban sa mahistrado na nag-ugat sa sinasabing plagiarism o pangongopya.

Sinabi ni committee chairman at Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., kaagad umano nilang isusumite sa plenaryo ng Kamara ang committee report para desisyunan.

Sa ilalim ng rules, ma-ngangailangan ng 1/3 o 95 na boto mula sa mga miyembro ng House of Representatives para mapatalsik si Del Castillo at maiangat ang kaso sa Senado, bilang impeachment court.

Ayon pa kay Tupas, wala umanong katotohanan ang mga lumabas na ulat na nakahanda ang Kamara na ibasura ang reklamo laban kay Del Castillo kapalit ng mga testimonya nito kay Corona.

Una rito, binatikos din ng ilang minority congressman ang anila’y mistulang pag-hostage ng House committee on justice sa impeachment case ni Del Castillo.

“It’s like having a witness with a gun on his head. How can Justice Del Castillo testify freely when he knows he can be impeached anytime by the President’s allies?” ani Zambales Rep. Milagros Magsaysay.

Kahapon naman, nagpahayag din ng pagka-alarma si Senator-Judge Joker Arroyo sa tangka ng House of Representatives na pagsabayin ang impeachment trial nina Corona at Del Castillo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.