Juris, game nang magpakasal

Successful ang unang album ni Juris as a solo artist under Star Records. Tumalon agad sa number 5 spot ang kanyang album sa local OPM charts ng mga record bars. Malaki naman ang pasasalamat ng singer sa success na natamo niya kahit pa kumalas na siya sa kanyang grupong MYMP. Maagang pa-birthday nga ito para kay Juris na magse-celebrate na ng kanyang kaarawan sa darating ng March 18. Wala naman daw espesyal na selebrasyon sa birthday niya at ise-celebrate lang daw niya ito kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Tinanong namin siya kung wala ba siyang ‘someone special’ na maituturing ngayon, meron naman daw. Medyo nasa early 30’s na pala si Juris at tinanong tuloy namin siya kung may balak na ba siyang magpakasal in the near future.

“Ako, ready na naman ako. Napag-uusapan naman namin siya, kaya okay lang sa akin,” sagot ni Juris.

Emotionally, financially and spiritually ready na raw siya kung sakaling alukin na siya’ng magpakasal ng kanyang current boyfriend. At kung pipili siya ng isang kantang puwede niyang kantahin sa kanyang kasal, mula sa kanyang latest album under Star Records, ito raw ay ang awiting ‘Love Letters’. Paliwanag ni Juris, “Ito kasi ‘yung kanta ng mga love letters namin sa isa’t isa. Hiniram ko muna sa kanya tapos ginawa kong kanta.”

NAGBABALIK-ABS-CBN SI Janice de Belen para sa isang special engagement sa Maalala Mo Kaya ngayong darating na Sabado. Isang ina ang role ni Janice dito na may mga anak. Mula sa direksyon ni Direk Jerry Lopez Sineneng, magpapakita na naman ng galing niya sa pag-arte si Janice na medyo matagal-tagal na ring hindi nakikita ng mga viewers. Sa Sabado na ‘yan, 8 P.M.

SPECIAL GUEST NG lifestyle show na Us Girls si Coco Martin ngayong gabi. Ibang klaseng Coco Martin ang mapapanood ng mga tao dahil usapang summer at pagiging fit and sexy ang topic!

Makakasama ni Coco ang “9 Boys of Summer”, mga nagugguwapuhang models and bachelors na magpapakita ng kanilang magagandang katawan at fitness secrets! Naku, pihadong mag-e-enjoy ang mga girls dito! At may bonus pa… ang PBB Double Up ex-housemate na si Sam Pinto ay magbabahagi ng kanyang mga fashionista tips and secrets para maging beautiful at fashionista all the time! Nood na ng Us Girls, 8 P.M. sa Studio23!

Related Post

loading...

9 thoughts on “Juris, game nang magpakasal

  1. ayan na, nabuntis na si juris, no choice na yung bf nya kaya nagbigay nalang ng singsing. inutang pa nga raw sa kuya yung pambili eh. congrats, juris! matutupad na ang pangarap mo. hindi ka na old maid!

  2. ikaw ready na. ang tanong jan, ang bf mo ba ready na? wala na bang ibang topic about juris? eh yang mga ganyang usapan pampamilya lang yan ah. oh wait, pansarili lang dapat. nakakahiya naman ang interviewng ito. sana hindi nalang nilabas. para namang lumalabas na atat mag-asawa si juris. o pinariringgan nya sa dyaryo ang bf nya. ano naman kaya ang naging reaction ng bf nya dito?

  3. fucking god! pati ba naman yan inaannounce pa?! wala ka na bang natitirang hiya sa sarili mo? hindi ka ba makapaghintay na magpropose ang bf mo? hindi minamadali ang mga ganyang bagay. mag-isip isip ka naman.sikat ka pa naman tapos ganyan lang laman ng mga interviews mo?

  4. kadiri, ikaw pa ang nagpapahiwatig na gusto mo nang magpakasal. kawawa ka naman. wala sigurong pera yang bf mo. binayaran mo lang yan para magpose as your bf kasi hindi ka pa over dun sa lalaking ang pinakasalan ay ang matalik mong kaibigan. ulol, asa ka pang ikaw ang pipiliin. hahaha loser!!!!

  5. yan na ba ang definition nyo ng successful album??? lol babaw. better luck in the next life, juris negrita.

Leave a Reply

Your email address will not be published.