Junkshop owner, hinoldap ng nagpakilalang NBI agents

DAGUPAN CITY – ISANG junkshop owner ang hinoldap ng mga nagpakilalang miyembro ng NBI sa bayan ng Sison sa Pangasinan.

Batay sa pahayag ng biktimang si Joy Cy, residente ng nasabing bayan, alas-9 ng umaga ay papunta sana siya ng La Union sakay ng kanyang truck nang biglang lapitan ng tatlong kalalakihan na nagpakilalang mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kinuha ng mga ito ang pera sa bahagi ng Barangay Cuaringan sa nasabing bayan.

Ang mga suspek ay sakay ng Toyota Innova na kulay berde na may plakang XDF 245 at wala namang dalang mga baril ang mga ito, dagdag pa ni Cy.

Patuloy naman ang masusing pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.