Junkshop, Hinoldap ng 6 Armadong Suspek

HINOLDAP NG anim na mga armadong lalaki ang isang junkshop sa Barangay Kulambog Lapasan ng lungsod ng Cagayan de Oro kamakailan.

Natukoy ang junkshop na nilooban at hinoldap ng mga armadong suspek na ang Abad Enterprises na pag-aari ng mag-asawang Lolita at Felipe Abad.

Sinabi ni  S/Insp. Ivan Biñas, hepe ng Agora Police Station na umabot sa lima hanggang anim na kalalakihan ang nanloob sa nasabing establisimyento kung saan tinutukan pa ng mga baril ang pamilya Abad na kabubukas lang ng kani-lang tindahan.

Samantala, kinumpirma rin ni Biñas na nakuha ng mga salarin sa mga biktima ang salaping nagkahahalaga ng mahigit P170,000.

Matapos ang naturang insidente, dagling tumakas ang mga kawatan sakay ng dalawang motorsiklong kulay pula.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.