Junk Shop, Hinoldap ng 3 Habang Nanananghalian

HINOLDAP ANG junk shop ng tatlong hindi pa kilalang mga lalaki sakay ng isang motorsiklo habang nanananghalian ang mga helper sa Valenzuela City.

Sa ulat, dakong alas-12:05 kamakalawa ng tanghali, kumakain ang mga helper ng Cyclopian Junkshop sa T, Santiago St., Canumay West nang pasukin ng dalawa sa tatlong suspek.

Tinutukan ng sumpak ang mga tao sa junk shop at kinuha ang P17,000 bago nagsitakas sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka sa dala naghihintay na kasama.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.