Junior, Binoga ni Senior

KRITIKAL SA pagamutan ang isang lalaki matapos barilin ng kanyang sari-ling ama makaraan ang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng umaga sa Malabon City .

Ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Ernie Alvarez Go, 34-anyos at residente ng 31 Araneta Avenue , Potrero ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si Ernie Sr., ng nasabi ring lugar na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay PSI Romulo Mabborang, dakong alas-8:45 ng umaga nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek sa loob ng kani-lang bahay hanggang sa kumuha ng baril ang huli at pinutukan ang una.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima ng kanyang pinsan sa nasabing pagamutan upang maagapan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy kung ano ang pinagtalunan ng mag-ama na humantong sa pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.