Jun Lozada, Haharap sa Sandiganbayan sa Kasong Graft

MATAPOS MAGHAIN ng piyansa noong nakaraang buwan, balik sa Sandiganbayan ngayong araw si dating NBN-ZTE whistleblower Jun Lozada Jr.

Haharap si Lozada sa Sandiganbayan bilang akusado at witness sa kinakaharap na kaso.

Magiging testigo si Lozada sa naudlot noong multi-million peso National Broadband Network (NBN) deal graft case ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, kasabay nito ay respondent din siya sa kasong graft na kinakaharap nito noong siya pa ang pangulo ng Philippine Forest Corp. (Philforest).

Gagawin ang natu-rang pagdinig alas-8:00 ng umaga ngayong araw sa Fourth Division ng Sandiganbayan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.