Julio Diaz, lulong sa bisyo kaya naghihirap?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! HINDI ko akalain na makikita ko ang isang batikang aktor, o siguro, tawagin ko na lang na beterano. Hahaha! Si Julio Diaz nga ito! Malaki na ang pinagbago ng hitsura ng hitad na ito. Kung noon, tila nakahiga sa pera, pero ngayon ay tila sa kalsada na lang, huh!

Noong isang araw, kasama siya ni Direk Neil Buboy Tan sa Meycauayan, Bulacan, kung saan isa ako sa mga judge sa isang beauty contest. Pero sino ang mag-aakalang ganu’n na pala ang hitsura ni Julio Diaz? Tila isa na lang itong palaboy na hindi naliligo.

Doon sa mismong event, tila awa ang nakita ng organizer ng show para kay Julio, kaya kinuha na lang ito bilang isa sa mga hurado sa nasabing event. Mismong ang may-ari ng isang malaking pawnshop sa buong Pilipinas ay hindi makapaniwala sa hitad na ito na nilulugmok ang sarili sa wala at sa bisyo na siyang nagdadala sa kanya sa kahirapan.

Pero sino ang mag-aakalang miyembro na rin ito sa mga ka-federasyon ko?! Hahaha! Kung noon ay type ito ng mga kababaihan at mga binabae na rin, ngayon ay tila ang hilig nito ay mga kalahi ni Adan, huh! Mismong ang aking kasama sa nasabing event ang saksi sa pagkuha ni Julio Diaz ng numero ng isang lalaking contestant, huh!

‘Pag nakita mo si Julio sa personal, hindi mo aakalaing siya ‘yun, at hindi mo siya makikilala. Tila awa nga ang mangingibabaw sa kanya. At sa mga larawang nakuha ko, ‘yan ang magsasabi sa inyo ng totoo. Kaya maloka na lang kayo. Nakakaloka, huh! ‘Yun na!

MARAMING, MARAMING SALAMAT sa lahat ng bumati at nagpunta sa aking kaarawan at thanksgiving na rin kahapon. Sa mga kasamahan ko sa DZRH, maraming salamat, at sa ilang mga kilalang tao na hindi ko na papangalanan. Hindi ko akalain na maaalala ang aking birthday. Sa aking mga kaibigan na hanggang ngayon, sumusuporta sa akin, sa mga kasamahan ko sa industriya at sa aking pamilya, maraming salamat!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Julio Diaz, lulong sa bisyo kaya naghihirap?! – Tita Swarding

Leave a Reply

Your email address will not be published.