Julio Diaz, kinuwelyuhan ni Direk Maryo J.?!

HOW TRUE NA tinalak-talakan daw ni Direk Maryo J. Delos Reyes si Julio Diaz pagkatapos ng taping ng Gumapang Ka Sa Lusak?

Naimbiyerna raw ang direktor nang mag-report si Julio nang late sa set. Ang call time kasi ng aktor ay 6 A.M. pero dumating daw ito ng 9 A.M.

Importante ang eksena ni Julio noong araw na iyon. At isa pa, kailangang maagang matapos ang kanyang scenes dahil ipalalabas na iyon the next day sa telebisyon.

Ang kaso, na-late nga ang aktor kaya naman nag-init daw ang ulo ni Direk Maryo.

Ang isa pa raw ikinagalit ng direktor ay napalakas daw ang sampal ni Julio kay Lotlot de Leon sa isa nilang eksena. Naloka raw si Lotlot dahil talagang dumapo raw ang kamay ng aktor sa kanyang pisngi. Muntik na nga raw itong ma-trauma.  At dahil professional naman siya, itinuloy pa rin daw ni Lotlot ang eksena at tinapos lahat ng scenes na kailangan siya.

Totoo ba ang tsika sa amin na kinuwelyuhan ni Direk Maryo si Julio sa sobrang galit?

BLIND ITEM: MUKHANG may pagitan na sa pagkaka-ibigan ng dalawang young actresses ngayon.

Nagkaroon na raw ng lamat ang dating mag-bestfriend na aktres dahil sa isang aktor na nali-link ngayon sa isa sa kanila.

Ang tsismis, hindi na raw masyadong nagpapansinan ngayon ang dalawa dahil sa aktor. Kapag nagkikita raw sila ay hindi mo na raw makikita ang dati nilang closeness.

Na-hurt daw kasi ang aktres nang malaman niya mula sa ibang tao na madalas nang lumalabas ang kanyang leading man kasama ang best friend niyang aktres. Feeling betrayed daw ang hitad kasi she was the last one to know.

Anyway, magkakaayos din naman ang dalawang iyan. Matalik naman silang magkaibigan kaya feeling namin ay maibabalik din ang friendship nilang dalawa.

Ang dagdag pang tsika, hindi naman pala apektado ang friendship ng ate ng aktres sa isa pang aktres na na-link sa younger sister niya. In fact, magkasama nga ang dalawa nang um-attend sa isang birthday party sa isang sosyal na bar sa Makati recently.

NAALIW KAMI SA apat na bagong Koreanovela na ipalalabas ng TV5. Comedy kasi ang ilan dito at talaga namang matatawa ka sa kanilang mga eksena.

Partikular na nagustuhan namin ang High Kick na tungkol sa magkapatid na laging nag-aaway. Nasa cast nito ang Korean actor na si Kim Bum na nakapareha ni Maja Salvador sa isang commercial. Si Kim ay nasa cast din ng top rating na Boys Over Flowers na ipinalabas naman sa Dos. Ang tatlo pang ipalalabas nila ay ang My Wife Is A Superwoman na isang romantic drama, First Wives Club at Smile, Honey.

Actually, ang apat na Koreanovela na ito ang ipangtatapat ng Singko sa mga noontime show ng kalaban nilang network. Ang noontime block na pinamagatan nilang Gusto Ko Noon ay magsisimula na sa Lunes, March 22 mula 11:45 a.m. hanggang 1:45 p.m.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Julio Diaz, kinuwelyuhan ni Direk Maryo J.?!

    • korak!

      sayang naman kung masisira lang ang friendship ng mag-“cousin” na sina bea at shaina dahil lang kay john lloyd.

      fyi: si vina ang second bridesmaid ni ruffa sa kasal niya kay ylmas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.