Julijo Pisk, kayang-kaya nang pagsabayin ang pag-aaral at ang showbiz career

Dating child star si Julijo Pisk na ngayon ay 16 years old at kasalukuyan Grade 11 sa De La Salle. Nagsimula si Julijo at the age of 5 sa Star Circle Quest Kids sa ABS-CBN, kung saan nanalo siyang 3rd place.

ISA sa bagong aabangan ngayon ang teen star na si Julijo Pisk, guwapo at kumpleto ang talento, most especially sa pagkanta. 

Dating child star si Julijo na ngayon ay 16 years old at kasalukuyan Grade 11 sa De La Salle. 

Nagsimula si Julijo at the age of 5 sa Star Circle Quest Kids sa ABS-CBN, kung saan nanalo siyang 3rd place. Pagkatapos kinuha siya bilang mainstay sa “Goin’ Bulilit”, ka-batch niya sina Sharlene San Pedro, Nash Aguas, at Mika Dela Cruz. 

Kaliwa’t kanan ang naging offer kay Julijo for TV, films, at print and TV commercials. Ilan sa tumatak na commercials niya ang sa PLDT (Anna Banana), Colgate, Coke, at marami pang iba. 

Last year, sumali siya sa Pinoy Boyband Superstar. Ang actor na si Aga Muhlach ang pumindot ng buzzer para makapasok siya sa booth camp, para iparinig niya ang kanyang munting tinig sa mga hurado na kibabilangan din nina Yeng Constantino, Sandara Park, at Vice Ganda.

Sa ngayon, balik-showbiz na si Julijo. Kering-keri na raw niyang pagsabayin ang school at ang showbiz career niya, na ngayon ay nasa pangangalaga na ng aming kaibigang singer-composer na si Joel Mendoza. Isa sa masasabing bankable artists ng aming kaibigang si Joel itong si Julijo na ngayon ay nagsisimula na ring mag-recording. 

Nais naman ni Julijo na makasama sa pelikula o sa TV ang idol niyang si John Lloyd Cruz, gayon din ang kanyang ultimate crush niya na si Mika Dela Cruz (younger sister ni Angelika Dela Cruz) na ngayon ay nasa bakuran na ng Kapuso Network. 

Sa ngayon, busy sa mall tours si Julijo na malakas ang dating sa masa, most especially sa mga kabataan. Saksi kami sa nakaraang mall tour projects niya kamakailan. Labis naman ang kasiyahan ng kanyang mother na si Eleonor Pisk na very supportive palagi sa kanya. ‘Yun nah! 

 

A Celebration of Life! Birthday Party ng aming kaibigan na si Martin Bellosillo, ang owner ng The Elite’ s Model Management this coming Friday, April 28, 2017 at 7 p.m. sa North Park Noodle House restaurant sa # 103 Dr. Lascano St. cor. T. Morato, besides Alfredo’s Steakhouse.

“Please come and join!” ‘Ika nga ni Dad Martin.  

Ang nasabing birthday party ay dadaluhan ng kanyang mga kaibigan at mga anak-anakan na sina Nikki Co ng Starstruck, Jao Viola, Elite’s Model talents, at marami pang iba. 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.