Julie Anne San Jose, walang ‘k’ sa Miss Saigon?!

BUKAS NA ang seleb-rasyon ng 17th anniversary ng Startalk at so far, ilan sa alam kong istoryang gagawin namin ay siyempre ang pagkikita nina Joey de Leon at Willie Revillame sa programa namin nu’ng nakaraang Sabado.

Mapapanood ang panayam na magkasama sila at kung ano ang nararamdaman nila sa isa’t isa.

Bukod pa riyan ay ang update namin sa kalagayan ni Alyssa Alano pagkatapos niyang maaksidente nu’ng nakaraang Linggo.

Ang alam ko, nakatakda na siyang operahan pero nu’ng dinalaw ko siya sa hospital, nakita ko ‘yung dalawang sugat niya sa tagiliran na natusok ng bakal, ang laki parang halos kasya ang tatlong daliri mo.

Kaya gusto nga ni Dra. Vicki Belo na sila ang magtatahi ng sugat nito sabay ayos na hindi magkaroon ng peklat.

Kaya nagpasalamat na si Alyssa kay Dra. Belo na laging nandiyan tumutulong sa kanya.

Special guest din namin si Lorna Tolentino, kung saan bibigyan ito ng bonggang welcome sa pagbabalik niya sa GMA 7.

Doon na ikukuwento ni Lorna kung anong drama series ang gagawin niya sa GMA 7 pagkatapos ma-shelve ang Haram na pagsasamahan sana nila nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla.

Masisilip na rin sa Startalk ang bagong bahay ni Pauleen Luna na matagal na niyang pinag-ipunan sa tulong na rin ng mga magulang niya.

Sa kuwarto niya ay roon may makikita kung gaano kahalaga sa kanya ang bigay ng taong nagbibigay ng inspirasyon sa kanya. Mula kay Bossing Vic nga ba ito? Isa ‘yan sa aabangan n’yo!

May mga bago kayong mapapanood sa aming bale selebrasyon na rin sa pagpasok ng Startalk sa ika-18 year nito.

Bongga, ‘di ba? Mag-i-18 na kami at ito na nga ang masasabing longest running-talk show sa Philippine television.

 

MAY ILANG tumataas ang kilay kay Julie Anne San Jose nang nagpahayag itong balak niyang mag-audition sa Miss Saigon.

Magkakaroon kasi ng audition dito at maraming mga batang singer natin ang nagpahayag ng interes na sumali. Isa na rito si Julie Anne dahil wala naman talagang kuwestiyon sa galing niya sa pagkanta at kaya niya ito, in fairness naman sa kanya.

Pero hindi naman lahat na magagaling ay puwedeng piliing gumanap na Kim sa sikat at longest-running na musical play na ito.

May ilang tumataas ang kilay na hindi raw ito kakayanin ni Julie Anne dahil hindi naman daw oriental ang itsura niya.

Mukha naman daw siyang bumbay kaya hindi raw puwedeng gumanap na bida sa Miss Saigon.

Sabi naman ni Julie Anne, gumanap na raw siyang Kim sa school play nila, pero hindi naman daw ‘yung bonggang-bonggang musical play na Miss Saigon. Kaya malay natin.

Gusto lang daw sana niyang ma-experience ang Broadway, kaya baka nga suwertehin naman siya.

Pero pinag-iisipan pa ng young singer kung susubukan niyang mag-audition dahil marami naman daw siyang trabaho rito.

Kung sakaling siya ang mapili, paano ang career niya rito maiiwanan niya?

Maganda naman ang takbo ng career niya na masasakripisyo kung siya nga ang mapili.

Sa totoo lang, hindi naman kailangan na ‘yan ni Julie Anne, pero siyempre malaking bagay rin kung sakaling siya nga ang mapili.

Hindi pa naman daw siya nag-confirm na mag-o-audition siya, dahil pinag-iisipan pa naman niya.

Kamakailan lang pala ay pumirma na si Julie Anne ng contract bilang bagong endorser ng apparel na Get Laud.

Bagay raw sa kanya ang mga designs ng mga damit doon, kaya panibagong achievement na naman ito sa kanya.

At least, ang dami na niyang datung na balak nga raw niyang magpatayo na ng bahay.

‘Yun na!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

13 thoughts on “Julie Anne San Jose, walang ‘k’ sa Miss Saigon?!

  1. hahaha.. an sabi ng pinagtawana nya si Daniel Padilla dahil sa di kagandahang boses pero nung lumabas na si daniel eh sobrang ingay ng mga manunuod sa concert ni ogie, eh samantalang sa kanya biglang tumahimik, dahil di sya kilala.. 

  2. Magaling talaga to bata na to sana gma will give her more projects i wanted to see her on primetime simula napanuod ko to sa party pilipinas nagalingan ako at simula nun nanunuod na ako party pilipinas every sunday religiously because of her :) i used to watched asap but now switched to party p :)

  3. Pingback: No More JuliElmo Loveteam? |

  4. WALA SYANG K PERO BABA MERON SYA AT SAGANA HAHAHAHAHAAHHAHA PATI MISS SAIGON GINAGAMIT FOR PUBLICITY AT GIMMIK! LAHAT NA LANG GINAWA NG BABALINANG TO AT INIINCORPORATE SA SARILI NYA MAPAGUSAPAN LANG!!! MASYADONG FEELING SIKAT NA SIKAT NA KUNO EH SA KAMUNING AREA LANG NAMAN HAHAHAHAHAHA PANU HIGH RATING DAW ANG MGA SHOWS NILA NG KAMBAL NI KEBEDON NA SI ELMO O ANU NANGYARI SA HOTTEST LOVE TEAM SA ME KAMUNING??????? NGANGA SA BOX OFFICE RESULT NG ONE SUPER FLOP SUMMER???? HAHAHAHA AT YUNG PINAGMAMALAKING VIDEO SHOOT DAW SA ABROAD ANG QUALITY PCHUPUCHU HAHAHAHAHAHA PARANG HOME MADE LANG HAHAHAHAHA PA EMOTE EMOTE SA KALSADA AT BALKONAHE NG HOTEL MUSIC VIDEO NA! HAHAHAHAHAHAAHAHAH MGA KAPUCHU KAMUNING TALAGA MGA CHEAPANGGA! HAHAHAHA

    • HAHAHA EH HINDI NAMAN YATA NAG AUDITION SI JULIE ANN SA MISS SAIGON, ANG NAG AUDITION AY SINA FRANCESKA FARR AT RACHEL ANN GO, NA YUNG ISA PANG SINGER NG SIYETE, NA BINIGYAN NG SECOND AT THIRD CALL SLIP, HAHAHAHA EH YUNG MGA TAGA ABS CBN TALENTS NAMAN NA NAG AUDITION, TULAD NI KARYLLE AT ANGELINE QUINTO, WALEEEY, PAG TAPOS NG AUDITION AY HINDI NA TINAWAGAN, PATI SI JHONG HILARIO,WALEEEY, SINO NAGYON ANG NAKAKAHIYA, BUTI NGA SI JULIE ANNE SIKAT SA YOUTUBE AT NAGKAROONG MAKASAMA SA AUDIENCE NG SHOWS NI ELLEN DEGENERES, EH YUNG MGA ARTIST O TALENTS NAMAN NG ABS CBN, WALEEEY, NI SA YOUTUBE WALA SILA, HINDI SILA KILALA SA IBANG BANSA, HAHAHAHHA

  5. pwede naman itong isang ito na star ng just one flop! pwede syang taga ayos ng mga props! hwag nang nagtry at baka maging just another flop!

    • Oh common, haters gonna hate, sikat sya, mayamn, maganda ang career, eh ikaw?? look at you, are you successful?!! IDIOTA!

  6. kim chu na lang!….boses ipis nga lang.
    kim atienza kaya?…may kasamang info pa sa natural environment ng saigon,oh ah!
    kabog kung si vice ganda!….tranny version para maiba.
    si enchong kaya?….under the sea!ayaw ni ariel ,little mermaid!

      • MARIANONG GARAPON NA TAGA DIVISORIA, MAGING MGA INTERNATIONAL TALENT SCOUT HINDI MA APPRECIATE ANG TALENTS DAW NG MGA TAGA ABS CBN, HAHAHAHA, MEDIA HYPE LANG SILA, WALA TALAGANG TALENTS, PURO DRUM-BEATING LANG SILA, KAYA NGA AMPAWIN SILA.

      • sino nagsabi sayo na walang talent ang mga taga -abs -cbn?? baka ang mga taga gma talent flop.. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.