Julie Anne San Jose, pinagbawalang maging malapit kay Alden Richards?

MARAMI ANG naiintriga kung ano na raw ba ang nangyari at biglang-bigla ay nawala ang closeness nina Julie Anne San Jose  at Alden Richards. There was ay time na napapabalitang nagkakamabutihan na nga sila dahil sa sobrang closeness nila sa isa’t isa.

Ngayon, sa Sunday All Stars (SAS), hindi na sila nagpapansinan kahit nagkakasalubong galing sa kani-kanilang dressing rooms. Hindi na rin sila nagti-text sa isa’t isa.

“A… wala po,” pag-iwas na reaksiyon ni Julie Anne nang matanong namin. “Okey naman po kami. Friends pa rin naman po kami.”

Pero lately, hindi na nga sila nagkakausap? “Siguro po, naging busy lang ako. Naging busy rin po siya.”

Nakapagtataka nga talaga na mula sa pagiging very close, nawala kahit communication sa pagitan nila. Ni hindi na sila nagti-text sa isa’t isa nga.

Baka naman kinausap sila ng management ng GMA-7 na iwasan muna nilang maging malapit sa isa’t isa. Si Alden kasi, ka-loveteam ni Louise delos Reyes sa Kapuso primetime series na Mundo Mo’y Akin. Si Julie Anne naman, identified sa tambalan nila ni Elmo Magalona

“Ay wala po. Wala pong gano’n. Okey naman po kami. Basta… okey po kami,” nangiti na lang ulit na pagdidiin ni Julie Anne.

‘Yong loveteam nila ni Elmo, parang nawala na rin. Magal na silang walang project together. “A… ‘yong loveteam po namin, it depends sa management po kung itutuloy pa rin po nila.”

Hindi na ba niya nararamdaman na sila pa rin ni Elmo as loveteam? Lalo at balitang karelasyon nga nito ngayon si Lauren Young. “Uhm… hindi naman po sa hindi ko napi-feel. Kasi po, ano lang po… since wala nga si Elmo sa Sunday All Stars. And… sobrang bihira na po kaming magkita at saka magkasama sa work. So… ano po… depende naman iyon sa management, e. Kung itutuloy pa nga po nila ‘yong loveteam namin.

“And ako naman po, open naman po ako do’n. If possible na magkaroon pa ulit kami ng project together. So… ‘yon! Wala naman pong kaso sa akin ‘yon.”

Nami-miss na rin nga raw niya na sumabak ulit sa larangan ng pag-arte. At may binubuo na raw ngayon ang GMA na bagong soap para sa kanya. “Yeah. Pinag-uusapan na po ang tungkol dito.”

Sino kaya ang makakasama niya rito? Si Elmo kaya ang makakapareha niya? “I don’t know yet, e. Pero… sa management pa rin po ‘yong desisyon.”

Maganda ang takbo ng career ngayon ni Julie Anne. Matapos ang matagumpay niyang pagku-concert sa Amerika, nitong Sunday naman ay tumanggap siya ng Triple Platinum at Quadruple Platinum para sa self-titled debut album niya.         “Sobrang hindi ko po alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pero sobrang natutuwa po talaga ako. And ayun… feeling ko po talaga, sobrang blessed ako kasi hindi ko po ini-expect na aabot po ng Quadruple Platinum ‘yong album ko.

“Alam n’yo, sa part po ng artista, okey na po ‘yong magka-album ka and ‘yong mag-hit lang, e. Kaya I think this is more than enough for me.”

Excited daw si Julie Anne na sa kasalukuyan ay tinatrabaho na niya ang kanyang second album. “Yes! Actually, nasa listening sessions na po kami ngayon. And I actually did a composition. And hopefully magkaroon po ako ng ibang mga compositions pa. And then, meron din po kaming mga revivals. And ‘yon… a lot of  original songs.”

 Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

8 thoughts on “Julie Anne San Jose, pinagbawalang maging malapit kay Alden Richards?

  1. DYUSKO QUADRUPLE PLATINUM NA DAW SI JULIE ANNE ‘SANDOK’ SAN JOSE? MALAMANG SILA SILA RING MGA STARLETS SA KAPUPO ANG BUMILI HAHAHAHAHAHA!

  2. julie anne the babalina san jose.. Hy nasa SAS din pala xa. Dati SA PARTY P Puro xa nalang nakikita q.. Puro nlang xa ang my number.. D q xa bet..

    • KAW NAMAN. MAY TALENT NAMAN KASI SI ATENG. MAGALING KUMANTA ANG LOLA. KAYSA NAMAN SI HEART EVANGELISTA O SI MAXENE MAGALONA ANG PAKANTAHIN MO. JUICE MIO! 

Leave a Reply

Your email address will not be published.