Julie Anne San Jose, dahilan ng pagkakalabuan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching?

Julie-Anne-San-Jose-Kristoffer-MartinMARIING PINABULAANAN ni Kristoffer Martin na si Julie Anne San Jose ang dahilan kung bakit nagkakalabuan sila ng kanyang 2-year GF na si Joyce Ching. Bali-balita kasing sa pagsasama ng dalawa sa kanilang show na Kahit Nasaaan Ka Man ng GMA-7, nagkamabutihan ang mga ito at mas nagkalapit sa bawat isa.

Kaya naman daw everytime na may mga eksena ang mga ito, talaga namang kikiligin ka kasi napaka-natural ng dating ng kanilang sweetness sa isa’t isa. Tsika nga ni Kristoffer na magulo ang relasyon nila ni Joyce , pero labas daw roon si Julie Anne at walang kinalaman.

Purely trabaho lang daw ang pinagsasamahan nila ng PMPC Star Award for Music 2013 Best New Female Recording Artist kaya naman daw ‘wag itong isama sa tampuhang nagaganap sa pagitan nila ni Joyce. Tikom pa rin ang bibig ni Kristoffer at Joyce kung totoo bang break na sila o hindi pa.

 

MAKIKILARO ANG Kapatid  Stars sa newest at exciting show ng TV5, ang Let’s Ask Pilipinas for the 1st and 2nd week na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 7-7:30pm, hosted by Aga Muhlach. Ilan sa kanila ay sina Tin Tin Bersola, Martin Escudero, Ruffa Mae Quinto, Shalala, Mr. Fu at marami pang iba.

Ito ang game show sa bansa na hindi mahirap sumali, hindi na kailangan pang pumunta ng TV5 Studio o bumili ng kung anu-anong produkto. All you have to do is register sa pamamagitan ng pagti-text sa Let’s Ask Pilipinas at kapag ikaw ang napili ay ikaw ang maglalaro sa inyong mismong bahay.

At kung madali ang pagsali, ganu’n din kadaling  manalo ng tumataginting na P500,000, dahil na rin sa madali ang katanungang ibinibigay ni Aga sa mga kalahok katulad ng ‘kung ano ang pinaka-popular na paraan ng pagluluto ng Pilipino ng itlog for breakfast? A. Sunny side up B. Scrambled C. Omellete. At ‘pag nakapili na ang mga contestants ay tsaka naman aalamin ang pulso ng masa through survey, kung ano nga ba ang  top choice ng mga ito sa mga pagpipiliang sagot.

 

MALAKI RAW ang  paghanga ng 2013 PMPC 5th Star Award for Music Dance Album of the Year (The Teen Pop Idol Eurika) na si Eurika kay Daniel Padilla, kaya naman daw nu’ng makita nito ang young actor sa mismong awards night, hindi nito naiwasang ma-starstruck sa kanyang idolo at crush.

At dahil ka sa pagka-starstruck, hindi niya nagawang makapagpalitrato man lamang kay Daniel at napako sa kanyang kinauupuan habang tinitingnan na lang ang binata.

Kaya naman if ever nga na mabibigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng ka-duet sa kanyang concert, gusto nitong si Daniel ang kanyang makasama. At kahit nga sa pag-aartista, ito rin ang kanyang gustong makasama plus Nash Aguas na ayon dito ay isa rin sa kanyang fave actor.

After ngang manalo sa Star Awards, may panibagong album si Eurika under Aika Records at ang carrier single nga nitong “Paligaw-Ligaw Tingin” ay consistent number 2 for two weeks sa FM Daily Hitlist and Most Requested Song sa Pinas FM 95.5.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Julie Anne San Jose, dahilan ng pagkakalabuan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching?

  1. hi julie anne san jose ako si kathleen 10 yrs. old idol na idol kita lalo na pag kumakanta ka ang ganda nang boses mo taga cebu ako

Leave a Reply

Your email address will not be published.