Julie Anne San Jose, no comment sa relasyong Elmo Magalona- Janine Gutierrez

Julie-Anne-San-JoseILAG MAG-COMMENT si Julie Anne San Jose kapag natatanong ng press tungkol sa balitang mag-on na nga ang dati niyang ka-loveteam na si Elmo Magalona at ang leading lady nito sa afternoon series ng GMA 7 na Villa Quintana na si Janine Gutierrez.

“Wala po akong reaksiyon do’n,” aniya nang makausap din namin sa Sunday All Stars kamakailan. “P’wede lang po, sila na lang ang tanungin ninyo. Kasi I’m really ou of it.

“And I’m not involved sa kahit ano man po about them. Kumbaga, it’s their private life naman po, eh. At saka wala po akong kailangang sagutin.”

Masaya ba siya for Elmo at Janine? “Uhm… I think everyone naman deserves na maging masaya talaga. ‘Di ba? At saka if ever man po talaga na… alam mo ‘yon? Na together sila, eh ‘di… so be it, ‘di ba? Basta po ako, like… personally, work po ako. Work lang po talaga ako.”

Usap-usapan din na hindi raw gusto ng JuliElmo fans si Janine para kay Elmo. Anoang reaksiyon niya rito? “Wala rin po akong magagawa ro’n, eh. Kasi eversince talaga, supportive sila sa tandem namin. And ano… I’m thankful naman po na nandiyan pa rin talaga sila. Nandiyan pa rin sila para sa amin individually.”

Aware ba siya sa isyung matindi umano ang pangba-bash ngayon ng fans nila ni Elmo kay Janine? “Ah… may nababasa po akong mga tweets. Pero Janine and I are okay.”

Magkasama sila sa SAS kaya every week ay nagkikita sila sa show. Napag-usapan ba nilang dalawa ang tungkol dito? “No. We don’t talk that much kasi po busy kami kapag nasa Sunday All Stars.”

Wala ba siyang planong kausapin ang fans nila ni Elmo hinggil sa diumano’y pangba-bash ng mga ito kay Janine? “I think… kasi ako po talaga, hindi naman po ako vocal in terms of my feelings… my emotions. Gano’n. So, ewan ko po. Basta… bahala na.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.