Juliana Palermo, 4-buwang buntis!

SA MGA UMAANGKIN at umaako sa mga blind items namin, ‘wag. Kung naniniwala kayong hindi o imposibleng gawin ng inyong idolo ang tinutukoy sa blind item, definitely, hindi siya ‘yon, kaya dapat n’yo nang ipanatag ang loob n’yo.

Pero kung ipagpipilitan n’yo pa ring siya ‘yong tinutukoy namin, aba’y wala na kaming magagawa. Ang kukulit ninyo, eh.  Eh, ‘di sila na ‘yon, according to your paniniwala.

Wala namang binabanggit na pangalan, ipagpipilitan n’yo? Eh, pa’no na ‘yung totoong may-ari ng blind item kung aakuin n’yo?

O, siya, bato-bato sa langit, ang tamaan, dyukol.

ABA, ANG AMING Twitter friend na si Juliana Palermo ay buntis na ng 4 months and one week sa kanyang boyfriend na taga-New Zealand.

Ang alam namin, si July ay sa Hong Kong ngayon naka-base, ‘yan ang nababasa namin sa kanyang mga updates.

Anyway, congrats kay Juliana. Pareho na silang madir ng friend niyang si Diana Zubiri.

Ang pagkakaroon ng anak ay isang blessing. Hindi dapat ‘yan itago, bagkus dapat ipagmalaki, ‘di ba?

HINDI KO ALAM kung totoo itong itinatanong sa amin ng mga followers namin. Totoo bang gagawa ng movie with Jacky Chan si Kim Chiu?

If true, bongga! Feeling namin, mas ito ang totoong box-office kesa sa kanilang ‘Til My Heartaches End ni Gerald Anderson.

Ayon nga sa isang insider, hindi kalakasan ang tatlong tambalang pelikula ng Kimerald.

Nakaapekto kaya ang pagkaka-link ni Gerald kay Bea?

AND SPEAKING OF Gerald, nagpainterbyu na nga ito sa mga TV crew, hindi naman maintindihan ang sagot. Kung ipinaliwanag, hindi rin naman maliwanag.

Split na sila ni Bea? Baket, nag-on ba sila?

Naguguluhan din si Gerald. Hindi na raw niya maintindihan ang mga tao kung ano ang totoo.

Ang totoo naman, alam ni Gerald ang totoo, ayaw lang niyang magpakatotoo.

Kaya masisisi ba niya ang mga tao kung sa susunod niyang pag-iyak sa TV eh, hindi na siya paniwalaan?

Be man enough to face the consequences of what you did.

(Tama ba’ng Ingles ko o Tagalugin ko na lang? Ha-ha-ha!)

BIRTHDAY KAHAPON NI Ai-Ai delas Alas, pero kahit birthday ng lola n’yo, pukpukan pa rin ang rehearsals niya para sa major concert niya sa Araneta sa Nov. 19, ang “Akin Ang Tronong ‘To!”, kung saan ilang transformation ang kanyang gagawin.

“Sana, dumating lahat ang mga nagmamahal sa akin para naman tulungan akong punuin ang Araneta Coliseum uli!”

Oo naman. Ikaw na ang Comedy Concert Queen, ‘di ba?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig sa “Wow, Ang Showbiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

12 thoughts on “Juliana Palermo, 4-buwang buntis!

  1. oo nga,,ANG KASAL AY SAGRADO,,RESPETO NAMAN SA SARILI AT SA DYOS AT SA ANAK MO ,juliana….ok,…dapat kang ikasal,…wat the heck!pinanagutan ka naman ahhh,,

  2. we love juliana,smart at like ko apil nya,,,kaya lang iha,,,respeto naman sa anak mo,na hindi kayo kasal ng ama ng bata,,para anupat nagpabuntis ka,,,ikaw di mo kelangan ng asawa siguro pero how about yung ana mo naman aber!!kaloka ka,,juliana,.wag ganyan,,u giving chance sa mga guys na maging abusado sa mga babae,.respeto naman sa sarili at sa dyos,,,after nyong gawin iyan,,,,wag naman,,,,u deserved to be wed juliana,,..para sa anak mo,,,,at sa dyos,,,,

  3. So andaming palang affected sa mga BI’s mo hehehe….Yaan mo na ang mga haters OD. Kala ko US si July Palermo sa Hong Kong din pala siya…Malapit lang pala sa amin dito sa Mainaland(uyyy stalker mode…Joke!) I like the way you tweet Ogie Diaz kasi nakakatawa although nakakasupalpal sa ibang nagtatanong ng nonsense. Gusto ko sanag itanong kung ilan na na block mo kaso baka mapabilang ako. LOL!

  4. naku paano naman ninyo paniniwalaan ang blind items ng writer na eto kong yong nasasakupan nga niya sa Quezon city di naniniwala sa kanya at di siya binoto noong election…bwahahahahahhahahah!

  5. ogak alam namin kong sinu ang pinatatamaan mong mga fans, eh mag bi k lang eh alam naman ng fans ang storya ng beni bi mo kaya yan ngaun nag kakaganyan k kong mag bi k ayosin mo dahil alam ng mga fans ang storya ng bi mo ogak k pala

  6. Ogie, huwag ka ng nagmamatuwid diyan. Ang hilig ninyong mag-blind item dahil sa kaduwagan ninyo (dahil puwedeng takot kayo sa taong bina-blind item ninyo o hindi naman kayo sigurado sa facts ninyo), tapos tatangahin ninyo ang mga fans na magre-react sa ginagawa ninyo, eh langhiya ka, obvious na obvious naman kung sino ang pinatatamaan ninyo. Gago ka, huwag mong bino-bobo ang mga nagbabasa!!!!

  7. naku, ogie, madaling sabihin na aminin na lang Gerald kung mag on sila ni Bea, ang problema pinagbabawalan sila ng ABS at kung ano ano pang maraming bawal..nung mag holding hands lang sila sa star nagic ball, pinagbawalan sila ni deo, kaya mahirap din ang kalagayan niya

Leave a Reply

Your email address will not be published.