Julian Trono at Ella Cruz, tagumpay sa pagpapakilig sa Fangirl/Fanboy

Julian Trono and Ella Cruz

NA-IMPRESS kami sa pagkakagawa ni Direk Barry Gonzales ng Fangirl/Fanboy na pinagbibidahan nina Ella Cruz at Julian Trono. Hindi halatang film debut ni Direk Barry ang pelikula dahil ang gaganda ng kanyang shots at ang galing-galing niyang magpakilig.

Litaw na litaw ang chemistry nina Ella at Julian sa pelikula. Winner din ang acting ng dalawa na halatang may “something” na nga sa isa’t isa kaya natural na lumalabas sa screen ang pagpapakilig.

During the premiere night of the movie held last Monday (Sept. 4) ay dumagsa ang supporters and fans ng dalawa. Nakaka-surprise na ang dami pa lang sumusupora sa JulianElla.

Wala silang kasawa-sawa sa pagtili sa mga kilig moments ng dalawang bida ng Fangirl/Fanboy lalo na sa mga eksenang magki-kiss ang dalawa pero hindi naman natutuloy.

Bago nga pala mag-start ang premiere night ay hindi naiwasang mapaiyak ni Julian habang nagli-lead siya ng premiere. Wish ng binata na sana ay magustuhan ng tao ang unang pagtatambal nila sa pelikula.

“Naging emosyonal lang po ako kasi kabado and at the same time natutuwa na finally ipapalabas na ang pelikula namin,” sambit ni Julian.

Showing na ang pelikula simula pa noong Wednesday (Sept. 6). Produced ito ng Viva Films, N2 Productions at ni Bb. Joyce Bernal.

 

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

4 thoughts on “Julian Trono at Ella Cruz, tagumpay sa pagpapakilig sa Fangirl/Fanboy

  1. Halata naman na bayaran ka ng Viva films para ipromote
    Ang movie na to na walang nanonood at manonood wag I I pilit walang star factor kahit 1%

Leave a Reply

Your email address will not be published.