Julia Montes, wish sa debut na makita ang ama

THE MOVIE A Moment in Time topbilled by Coco Martin and Julia Montes is still showing in theaters around the country. Unang kinakiligan ang kanilang loveteam bilang sina Daniel at Katerina sa top-rating primetime teleserye na Walang Hanggan. Gaya ng inaasahan ay muli na naman nilang pinakilig ang mga manonood bilang sina Patrick Javier at Jillian Linden sa A Moment in Time. Sino ang hindi kikiligin sa romantikong kuwento ng dalawang taong nagmamahalan na sinuong ang lahat sa ngalan ng pag-ibig? Patrick follows Jillian to Amsterdam sa pag-asang he will be given a second chance in love.

Ang tagumpay ng pelikula ay isang maagang regalo para kay Julia who will turn 18 years old on March 19. Gaya ng ibang nag-debut sa showbiz ay marami na ang naghihintay sa mahalagang araw na ito sa buhay ni Julia.

Julia became emotional on The Buzz when she revealed that her only wish on her debut is to see her whole family. “Gusto ko lang makumpleto ang family namin. Iyong makasama ko po iyong dad ko kasi ang dream ko sa last dance, iyong dad ko talaga. Kaya rin ako may special section for my father figures kasi sabi ko kung wala iyong dad ko, maraming puwede,” kuwento niya kay Charlene (Gonzales). Maliban sa 18 roses ay magkakaroon daw ng 18 tulips from the men who have been father figures to her sa kanyang debut.

Julia is Mara Schnittka in real life. Kaya ganito ang kanyang hiling sa kanyang birthday ay dahil hindi niya nakita ang kanyang ama, who is a German. Laki si Julia sa kanyang nanay at lola.

Dagdag niya, “Mahilig akong manood ng romantic movies, sa mga wedding tapos mga dad iyong nandoon. Kaya kung mapapansin ninyo sa Walang Hanggan na wedding scene, emotional ako kasi si Katerina parang ako. Wala iyong dad ko for that special event. Sana sa debut ko, or kung hindi man, sana kahit in the future, masaksihan niya iyong special moment.”

Magiging kumpleto raw ang kanyang buhay kapag nakita na niya ang kanyang ama. “Kasi po maraming sumusuporta sa akin – family, friends, mga taong umalalay sa akin sa showbiz. Proud sila sa mga nangyayari sa akin. Pero gusto ko ring maging proud iyong dad ko. Masabi lang niya sa akin na ‘I’m so proud of you,’” sabi ni Julia.

Here’s praying na sana ay matupad ang kahilingan ni Julia sa kanyang birthday. I wish her happiness and love which she rightfully deserves.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Julia Montes, wish sa debut na makita ang ama

  1. julia congrats sa movie box office talaga ad good iwas enchong ka na kulay green dugo nya at di sya gentleman your gonna be a big big star good luck happy bday

  2. alam ko na kung bakit iniiwasan ni julia si enchong…baka ala-kc concepcion na rin si julia dahil may nalaman na sa totoong amoy ng hasang ni enchong? hahaha! malansa ba ‘teh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.