Julia Montes, walang modo?!

KUNG HINDI kami nagkakamali, Walang Hanggang Pasasalamat at the Big Dome last Sunday was the first biggest thanksgiving show ever mounted on Philippine TV.

Kung gaano kalaki ang cast na bumubuo ng Walang Hanggan, which bids goodbye this Friday after 10 months of staying on air, ganoon din kagrandiyoso, if not historic ang paraan ng pasasalamat ng mga tao sa likod ng phenomenal success ng teleseryeng ito. Truly, ABS-CBN has produced another milestone project of epic proportions na maging kami mismo ay regular na manonood.

Kilala ang ABS-CBN, without any slight attempt at comparison, for being risqué and experimental in terms of conceptualization and pairings. Coco Martin was fresh from his brilliant performance in Minsan Lang Kitang Iibigin, while Julia Montes made a mark in the remake of Mara Clara.

At face value, mukha silang odd pair. We were thinking of a leading lady who’s Coco’s age, at least a little younger. But ABS-CBN wielded its magic, making the odd turn perfect. Julia’s adapting herself to the nuances required of her adult role makes thing seem easy and credible.

‘Yun nga lang, we could not help but look into the personal side of Julia, she being Julia, at hindi bilang Katerina. Frustratingly revealing para sa amin ang nasaksihan na-ming interview kay Julia ni Boy Abunda. Julia and Coco were the last batch of sit-down interviewees.

While Coco’s answers were always punctuated with “po” and “opo”, not once did we hear Julia reply with the same level of respect expected of a youth na kausap ang tingin yata niya’y kanyang kaedad.

Hindi lang tayo humahanga sa husay ng isang artista sa kanyang pagganap, work ethic o professionalism, relationship with his co-workers, magandang imahe, etc. Mas bumibilib tayo sa isang celebrity outside his workplace, when no director in sight instructs him to drop his lines and do the right blocking. In short, kapag hinubad na niya ang kanyang karakter.

Saying “po” and “opo” is an oral exercise. Sa husay magdeliber ni Julia ng dayalog, kilometric lines at that, how come such respectful words do not seem to exist in her vocabulary?

Ano nga, Kuya Dan, ang karaniwang tawag sa isang bagets na pinaniniwalaang hindi pinakakain ng “upo” (bottle gourd) ng kanyang mga magulang?

 

THE FINAL Six among the showbiz hopefuls who made it to the last leg of the Protégé: The Battle for the Big Artista Break would not have come this far kung hindi talaga sila nasala nang bonggang-bongga.

But the undeniable truth is that only one among Thea Tolentino, Zandra Summer and Elle Martinez would emerge as the ultimate winner. Ganoon din sa hanay nina Mikoy Morales, Ruru Madrid at Jeric Gonzales.

Sa nakaraang Final Results Night, Jeric and Thea were adjudged as winners.

Initially, mahiyain si Thea who needed to get out of her comfort zone. Comparatively, bagama’t may promise si Jeric, he has to further work on his acting. Ang maganda lang sa Protégé, holistic ang approach ng artista search nito in making a star out a then-ordinary boy or girl, developing and honing their skills in the various areas necessary to produce a future matinee idol.

Here’s hoping that these bagets stars learn to embrace their work with love and faith in themselves. Most of all, okey lang gawin nilang benchmark ng kanilang inspirasyon ang mahusay na aktres na si Julia Montes, but never ingest  the words “po” and “opo” only to get flushed down the toilet bowl.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

27 thoughts on “Julia Montes, walang modo?!

  1. agad agad ? hindi naman valid ang basehan niyo, hindi kasi consistent , sa the buzz lang, sa ibang interview niya tingnan niyo.. at hindi lahat ng nagpo po ay mga magagalang, haler anong silbi ng plastikan!

  2. inggit lang si ronnie carrasco kay julia montes dahil mas maganda at sikat ito kumpara sa mga starlet ng gma haha

  3. at masyado na OA sa pagkagalang na ang bawat binitawan sentence may po at opo. Mayrun nga dyan isang artistang babae nagbabalik showbiz na may katandaan na..bawat sentence na bitawan may po at opo.. nakakatawa na nga sa ka OA han. Ang gulo naman ng buhay, kung ano ang kinakasangkutan intriga sa buhay. Di na lang i apply ang ka OA han niya sa pag po at opo sa buhay niya.

  4. TARANDATADO KA PO CARASCO PALIBHASA PO YUNG MGA TAGA GMEEEWW W NA STARLET NYO HINDI PARIN PO SUMIKAT SIKAT AT STARLET PARIN SA TAGAL NG PAGAARTISTA NILA!!! ANIMAL KANG HAYOP KA PO ISULAT MO NALANG PO YUNG MGA STARLET NG GMEEEEWWW MO TARANTADO KA WAG KA MANILA NG ARTISTA NG DOS HAYOP KA PO!!!! AT ANG BABAW NG BASEHAN MO NG PAGSASABING WALANG MODO SI JULIA SA TINGIN KO HO MAS WALANG MODO KANG TARANTADO KA SA PAGAAKUSA SA PAGKABABAW MONG DAHILAN HAYOP KA!!!!!!! PAGTUUNGAN NYO NA LANG YUNG MGA STARLET NYONG WALNG KA KWENTA KWENTA AT YUNG MGA PROTEGEE NYONG NATAPOS NG WALA MAN LANG NAKAKAALAM HAHAHAHAHATARANTADO KA PO ANIMAL KANG HAYOP KA PO!

  5. HALATA TALAGANG MKA KAPAMILYAKS ANG MG NGCOCOMENT DITU,pati writer bwenultahan,e ang po at opo ay tanda nang paggalang kahit kayu ng po at opo rin sa mga nkakatanda..e yung idolo ninyu wlang modo as in wlang modooooooooooooooooo hahahaaha

    • ganun talaga ang maka KAPAMILYA… we will defend her like a real family kahit hindi niya kami kilala ng personal… kase alam naming mali ang sinusulat ng writer na toh… ang bilis makapanghusga pero mali mali naman sinusulat niya… kase on that interview ilang ulit nag “po” at “opo” si Julia tapos kung makasulat wagas ang convincing… THIS WRITER SHOULD KNOW HIS FACTS!!!!!!!!!!!!

  6. ronnie carrasco ang GAGO PO nyo ang hilig nyo PO manira. sana PO wag na kayong maging bayaring reporter kasi nag mumukha kayong TANGA .

  7.  nasa upbringing yun, di ba mute yung nanay niya? paano matuturuan ng po at opo yung anak niya? heheh.. ewan lang yung lola niya,  well dagdag points nga sana yan kung marunong mamupo ang isang tao, pero magpakatotoo rin tayo, dami diyang mahihilig gumamit niyan pero masasama pa rin naman ang ugali.. at least si julia wala kang nababalitaang may kaaway or nasasangkot sa mga hindi magagandang balita, saan kayo?

  8. ang tanda ng mukha ni julia ngayon ang alam ko 17 palang ito.sad parang 20 plus mukha niya dyan sa picture.

  9. Hey.
    Just becasue walang opo at po walang modo na. Walang modO IF THE PERSON IS SNUBBISH OR DOES NOT RECOGNIZE THE PERSON. For you to label her walang modo, sino ka to judge her? Other families are not like yours but not saying po is not a measurement that a person don’thave manners, or respect. You being judegemental is a measurement of lack of sensitivity to other people who are different than you. Let people be different and dont label people just because they don;t live to your standards. Im not her avid fan but you dont have the right to be hypocrite your self.

  10. katawa naman iktong writer na ito! hindi basehan sa isang tao kung nag po po at opo ka e ibig sabihin mabait ka na at magalang na tao. pwede ba, yun ngang mga taong mahilig mag po at opo ang kadalasang masamang tao… po. opo. si ano nga e…, ang tanda tanda na, kahit bata ang kausap, po ng opo e walanghiya naman!!!

  11. Naghahanap talaga ng ikakasira ni Julia noh? Kung hndi si Julia ang headline hndi ko babasahin ang article na’to! Gusto lang ipromote ang protege na walang kakwenta kwenta!

  12. ok there are words na nabitawan ko na baka makasakit sayo.. I’M SORRY for that but still mali talaga tong sinulat mo… julia knows how to say “po” at “opo”… at meron yan sa vocabulary niya. Baka hindi mo lang narinig pero mali parin tong accusation mo about julia MALING MALI tapos ikinalat mo pa.. nakaka disappoint ho kayo

  13. bago ka kase magsulat at mag published… know your facts first para hindi ka mapapahiya… be a responsible journalist naman… nakakahiya kay bagets julia… hindi lang ako ang natatawa sayo baka pati si julia matatawa sa pinagsasabe at pinagsusulat moh… baka nga pati si mr. boy abunda pagtatawanan ka… Don’t be too JUDGEMENTAL!!!! anu ba basihan mo bat mo nasulat tong article?? nandun ka ba sa araneta or sa tv mo lang napanood?? I’M SORRY if na CURSE kita… hindi ko napigil galit ko sayo… ikaw naman kase kung siraan mo si julia wagas parang kilalang kilala mo na yung bata…. Huwag mo ng ulitin toh pls lang kase hindi nakakatuwa at nakakasira ka pa ng pangalan kahit mali mali pa yung sulat mo…

  14. bibigyan pa kita ng link ohhh para kainin mo yung sinulat mong article na not once hindi mo nadinig na nag “po” at “opo” si julia……….. BINGI ka LOLO??? =P Coco Martin and Julia Montes at Walang Hanggan Pasasalamat http://www.youtube.com/watch?v=pHeBKx_72pE

    my GOD what kind of journalist are you???? NAKAKAHIYA KA!!!!!!!!!!!!!!!!! at BINGI ka pa :P

  15. nag iinit ulo ko sayo kung sino ka mang laos na writer ka letsugas ka kung maka panira ka parang alam mo na lahat at kilala mo na yung tao…. magkano bayad sa yo para sa demolition job na etoh??? alam mo epic failed ka kase nakaka tawa sulat mo… mag hanap ka ng uncut video nina coco at julia interviewed ni titoy boy sa youtube at sabihin mong wala kang nadinig na “po” at “opo” galing kay julia… Bingi ka? bingi? bingi? para lang makapanira at makagamit para epromote protege mo sisraan mo si julia?? letche

  16. Exaggerating masyado! you may want to watch the recording again…. are you sure she didnt get to use “po” at “opo” for once???????!!!!!!!!!!!!!!! be more responsible with how you write your news or if that’s what you even call it…..

  17. walang hiya ka epopromote mo lang PROTEGE gagamitin at sisiraa mo pa si JULIA… ilang beses ka na ba nakapanood ng ibat ibang interviews ni Julia… hindi mo ba alam since goin bulilit pa nila train na sila para lang mag PO at OPO… baliw ka MANGGAGAMIT ng SIKAT para MABASA ang NILALANGAW mong article… peste

  18. Eh ano naman ngayon kung walang “po”/”opo”????? Hindi naman basihan yan sa ugali! Mga taga visayas nga walang ganyan. Hay naku, ang importante, mabait kang tao! Umayos ka nga RC!

  19. Ganito na talaga ngayon, pag may supporters, may haters din. Mas magandang projects mas marami ang haters. Paki report lang please magkano income sa pelikula ni Aga at Regine mo, tahimik kasi parang walang nanuod. Ahehe

    • 3 week gross ng movie ng ibang outfit equals 1 day or 2 day gross ng movie from Star Cinema.
      Mabuhay ang Star Cinema. Magaganda kasi ang mga movies from Star Cinema. Walang tatalo sa kanila, kaya marami naiinggit sa kanila.

  20. Wala naman yan sa po at opo basta ba hindi binabastos ang kausap. Mayrun nga dyan ang tanda tanda na panay ang po at opo lumalabas na ang kaplastikan di pala sincere ang mga binibitawan na po at opo. Basta ba di bastos ang dating ng pag sagot bakit magiging walang modo ang di pag gamit ng po at opo. Di mo lang type si Julia kaya mo siya sinasabihan ng walang modo.

    • i agree with you! …. demolition ‘yan ni RC … kaya nga bini-build up niya ang winner(s) ng starlet academy nila e para mapantayan or mahigitan ang popularidad ni julia!