Julia Montes, tototohanin na ni Coco Martin!

NA-SURPRISE NANG husto si Julia Montes sa revelation ni Coco Martin na meron siyang gusto sa dalaga.

Unexpected naman kasi ang sinabi ni Coco na type niya ang beauty ng kanyang Walang Hanggan leading lady. Parang isa itong malaking tanong sa marami.

But as it is, mukhang paninindigan ni Coco ang kanyang sinabi na hihintayin niyang mag-eighteen si Julia bago niya ligawan.

Na-develop ba si Coco dahil sa halos araw-araw niyang kasama si Julia sa taping ng Walang Hanggan?

O baka naman isa itong malaking gimik para sa movie nila na next year ipalalabas.

With his admission, ano kaya ang mapi-feel ni Enchong Dee na very vocal sa pagsasabing matindi ang tama niya kay Julia?

Ang haba talaga ng hair ni Julia, ‘no? Imagine, dalawang binata ang nahuhumaling sa beauty niya.

 

SHIRLEY KUAN, manager of Maricel Soriano, had us laughing.

Matapos kasi niyang i-disapprove ang pagdalo ng magaling na writer na si Arnel Ramos sa fans’ day ni Maricel ay bigla niya itong binawi.

Initially, ayaw niyang umapir si Arnel all because she doesn’t know him. One more thing, baka raw magalit sa kanya ang kanyang press-friends from showbiz kapag nalaman nilang si Arnel lang ang invited. It was such a lame excuse, ‘no?

Arnel got the invite from an avid Maricel fan who thought that having him in the event will be great since he’s written a plethora of articles about the actress.

Kaya lang bigla itong hinarang ni Shirley. Nakatangap ng tawag si Arnel mula kay Veanna Fores, isa sa mga close kay Maricel, at sinabi nitong nagdadalawang-isip si Shirley kung papuntahin siya dahil unang-una ay hindi niya ito kilala at malalagot daw siya sa mga movie writer na friends niya kapag si Arnel lang ang inimbita sa affair.

We’re amused that Shirley doesn’t know Arnel because he’s the former associate editor of Star Studio magazine and contributor sa Philippine Star. He also writes for Malaya and TV 5 online.

Where have you been all these years, Shirley?

Ang higit pang nakatatawa ay binawi ni Shirley ang salita niyang ‘wag nang isama sa guest list si Arnel. Puwede na raw itong pumunta. Kaya lang, kailangan ay mag-isa lang ito. Ayun, hindi pinasama ni Shirley ang writer-friend ni Arnel na si Ces Evangelista.

With that, Arnel decided not to attend na lang the event. What for nga naman? Hindi naman niya kailangang ipagsiksikan ang sarili niya, ‘no!

Kung ayaw ni Shirley, eh, ‘di ‘wag. Hindi naman kawalan kay Arnel ‘yun, ‘no!

Parang hindi nag-iisip itong si Shirley. Unang-una, Arnel, being a big fan of Maricel, will not write anything unsavory about Marya. Isa pa, parang binastos na rin niya ang avid Maricel fan na nag-invite kay Arnel when she decided to go against it.

 

THERE’S ANOTHER Shirley na medyo kinairitahan din ng isang movie scribe.

We’re talking about Shirley Pizzarro who was tasked to invite the entertainment media sa grand presscon ng movie nina Vic Sotto, Bong Revilla at Judy Ann Santos.

Of course, she invited all her friends. Hindi invited ang veteran scribe na si George Vail Kabristante, close friend ng mga Revillas.

George had the temerity to call Shirley and asked her why he seems to be left out sa mga invite sa presscon ng movie nina Bong when he was very supportive of the actor-politician.

Ayun, bigla na lang siyang pinapunta ni Shirley sa presscon nang ura-urada.

Two Shirleys, two movie scribes and two tales of snobbery. Hindi ba’t ang taray!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

7 thoughts on “Julia Montes, tototohanin na ni Coco Martin!

  1. ang bagay naman nila at parang mga idolista at napakaganda at prinsesa at idol ko si julia montes at kaligin at prince charming kay julia montes si coco martin bagay sila at parang nasa ulap sila come true for the best,

  2. Alex Ngetpa, name dropping ka pa diyan, ikaw ang hindi na-imbitahan noh, kaya nagpuputak ka na naman. Sorry ka, wiz ka important sa mga binabanatan mo diyan sa column mo. Dapat tanggap mo na iyan, kasi wah ka naman credibility. Huwag ka affected much!

  3. Pingback: Julia Montes, tototohanin na ni Coco Martin!Latest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  4. lalo ka na, Alex, kilala kang bayarang entertainment writer, kayo yung tinatawag ng isang veteran writer dati, na mga pulubing entertainment press, na kumakapit minsan sa patalim, para lang kumita, mga walang kredibilidad, ang dami ninyo ngayon sa press, lalo na sa showbiz, mga buwitri, kaya minsan kawawa ang mga artista sa inyo, kung tirahin at upakan ninyo sa print, para bang napakasama ng taong yun, pag napasakan naman ng sobre sa bunganga, tahimik na kayo. yun lang naman ang hinihintay ninyo, para tigilan ninyo ang isang artista, para kayong may sindikato diyan, siguro kung nasa probinsya ko lang kayo napunta dun sa mindanao, ubos na kayo, pinapatay ang mga press dun na makukulit, 

    • i totally agree wt you,itong mga ganitong writers claiming as journalists, ung isa pa c swarding akala mo galing sa imburnal ang utak, its something like they have the right to hurt or break anyone, d ko alam kung bakit pinapayagan ang mga ganitong klase ng manunulat na kadalasan pinupulot lng or just pure imagination, sana nga may punishment sa mga ito,we do not need to like everyone we can agree to disagree but nobody have the right to hurt anyones spirit

  5. kasi kayong mga columnist/writers, lalo na yung mga iba, na mga mukhang patay-gutom, na hindi malaman kung saan nag susulat, pagdating sa mga presscom, launching etc, para kayong mga buwitre, sobre lang naman ang habol ninyo dun at libreng lafang, dapat ayusin na ang grupo ninyo, ang daming mga nagkalat diyan na mga di malaman ang mga karakas ng pag mumukha, ang papanget, na nag claim na isa silang showbiz writers/reporters/columnist, with matching press id pa, hindi malaman kung sino ang fake at legitimate na press sa inyo, hayy naku nag kalat yan dito sa manila 

Leave a Reply

Your email address will not be published.