Julia Montes, p’wedeng pam-beauty queen

KUNG HINDI KAMI nagkakamali, kung hindi kahapon ay ngayon ang labas ni Chokoleit mula sa tatlong araw na pagkakaospital due to heart burn.
Nakasampa siya that time sa stage. After one song, bigla na lang nag-iba ang kanyang pakiramdam, kaya hindi na siya nakapag-primetime sa kanyang set sa Punchline.

Sa mga tweets ngayon ni Chokoleit, parang naiinip na siya sa ospital at gusto na niyang lumabas. Na-realize din niya na mahal palang magkasakit, kaya payo niya sa kanyang mga followers, ingatan ang health sa lahat ng pagkakataon. Hindi nag-tweet si Chokoleit kung “nakapahinga” rin ang kanyang fez para hindi na mukhang ngarag.
SABI NAMIN KAY Julia Montes, ang gumaganap na Clara, puwede siyang pam-beauty queen. Nag-smile lang siya. Pa-humble pa, pero nasa kanya lahat ang katangian. 5’7” pa ang kanyang height, kaya tatangkad pa ‘yon.

Hindi nakakasawa ang fez ni Julia. Kaya feeling namin, after Mara Clara, magkakaroon ‘yan ng solong teleserye due to public clamor.
Me gano’ng factor.

ENOUGH OF TAMPUHANG Aga Muhlach at Sharon Cuneta. Naplantsa na ang kanilang gusot. Hindi rin nila basta-basta itinapon ang kanilang 7-year old friendship.

Gano’n si Sharon, eh. ‘Pag nagtampo sa kaibigan, obvious na obvious. ‘Kala kasi ng iba, ‘yung pala-bungisngis ni Sharon eh, feeling n’yo naman, walang problema o dinaramdam ang Megastar, ‘di ba?
At least, kay Charlene Gonzales na rin nanggaling na nag-usap na sina Sharon at Aga sa phone. Okay na sila. So all’s well that ends well.

Maiba tayo, in fairness, may sarili palang scent si Sharon sa Zenzest ng aming kumareng si Michelle Asense, ang “Loving.” Mabango siya, huh!
Ang dali lang makita ng Zenzest stalls sa malls. Nasa hallway lang ‘yan at mura pa, in fairness. Kaya sa mga favorite si Sharon, get na kayo ng Sharon Scent, ang “Loving.” Bumili kaya si Aga para “loving-loving” na sila ni Sharon?

AFTER THE GET-TOGETHER ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ay nagkausap kami ni Ate Vi sa telepono. As usual, ibinilin na naman niya sa amin ang kanyang anak na si Luis na aalagaan namin at lagi raw naming papayuhan kung may mali ito.

Mas madalas pa kasi kaming magkita ni Luis kesa silang mag-ina ang nagkikita. Pero naikuwento sa amin ni Luis na he’ll make it a point to see his mom once a week.
“Sobrang happy ang mom ko nu’ng magkita kami. ‘Yung glow sa mukha niya, hindi mo matatapatan ng kahit ano. Lalo na’t nakikita niya kami ni Ryan Christian na nagmu-Muay Thai.
“I realized how happier my mom is everytime she would see me. Kaya kahit sobrang busy, kailangang makita ko ang mommy ko!” How sweet, ‘no?

ANNULED NA ANG kasal nina Aiko Melendez at Martin Jickain, kaya ang sabi namin dito kay Aiko, ‘wag na munang magpakasal at give herself a break muna.
Alam namin kung gaano silang magmahalan ng dyowa niyang mayor ng Bulacan, Bulacan na si Patrick Meneses at saksi kami sa sobrang bait ni Pat.

“Oo naman, mother,” tawag sa amin ni Aiko, “’Wag na munang kasal. Behaved muna ko. Mahirap na. Alam mo naman ako, may ugali akong ‘yun na ang huling lalaki sa buhay ko, kaya nagpapakasal ako. “Iba si Pat. Buti naiintindihan niya ‘yung sitwasyon ko.”

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

16 thoughts on “Julia Montes, p’wedeng pam-beauty queen

  1. Yehey malapit ng maging bitch si clara sa MC. Love you clara!!! Team clara ako but i also like mara (kathryn)

    Go Mara Clara Team

Leave a Reply

Your email address will not be published.