Julia Montes, natakot makatambal si Daniel Padilla

AMINADO SI Julia Montes na mukha siyang matanda sa edad niya kahit na magkasing-edad lang sila ni Daniel Padilla.

Kaya nang tanungin kung papayag siyang makatambal si Daniel na ka-loveteam ng kanyang kalaban na si Kathryn Bernardo, kaagad na sagot ni Julia ay pag-iisipan niya muna kasi baka magmukha raw siyang ate ni Daniel kahit na magkasing-edad lang sila.

Pero may pahabol si Julia na depende raw sa role na gagawin nila ni Daniel kung mayroon nga raw na project.

Samantalang kung si Julia ay atubili na makatambal si Daniel, ang ka-loveteam niya na si Enchong Dee ay walang takot at payag na makatambal ang ka-loveteam ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

“Why not? Gusto ko ‘yun. Handa ako sa magiging hate campaign ng Daniel at Kathryn fans club. Basta trabaho at maganda ang project ay hindi ako mgadadalawang-isip na maging kapareha si Kathryn.”

Tungkol naman sa relasyon nila ngayon ni Julia Montes. Mas okey na raw sila ngayon as friend.

Nakapag-uusap na uli sila at wala nang nangyayaring ilangan sa isa’t isa.

ITINATWA NI JC de Vera na nagkakamabutihan sila ng ex-live-in partner ni Paulo Avelino na si LJ Reyes.

At wala raw katotohanan na madalas silang mag-date ni LJ dahil matagal na silang magkaibigan.

“Kung nakita man nila kaming lumabas ni LJ ay group date ‘yun. Matagal na kaming magkaibigan. Malabong mangyaring magkaroon kami ng relasyon,” say ni JC.

Kung anuman daw ang problema ngayon nina LJ at Paulo ay huwag daw siyang idamay.

Wala rin daw siyang nalalaman na naglasing si Paulo dahil nagseselos sa kanya.

Nagkikita naman daw sila ni Paulo at nag-uusap. Kaya nagtataka siya kung bakit pilit na inili-link sa kanya si LJ.

Ang pinghahandaan ni JC ay ang paglipat niya sa ABS-CBN at dalangin na maging maganda rin ang kapalaran niya at magkaroon ng maraming project.

 

SA DAMI ng magagandang actress sa ABS-CBN, masuwerteng napunta kay Jessy Mendiola ang role na Maria Mercedes.

Iba talaga ang charisma ni Jessy at tinalbugan niya ang mga co-star sa Dos.

Ano raw ba ang sikreto ni Jessy at sa kanya ipinagkatiwala ang naturang telenovela na sinubaybayan ng maraming Pinoy?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

7 thoughts on “Julia Montes, natakot makatambal si Daniel Padilla

  1. MUKHANG MAY PRESSURE KAY JULIA NA NANGYAYARI. KASI PANSIN KO RIN NA MUKHA TALAGA SYANG MATANDA KESA SA AGE NIYA. MASYADO KASING DOMINANT ANG GERMAN GENES NIYA. SO SHE SHOULD BE CHOOSY SA MGA LEADING MAN NYA. OTHERWISE, BAKA MAGING MAG-INA ANG KALABASAN.

  2. hindi sila bagay!!! mukha syang nanay nina kath at dj..enchong..epal ka talaga..mga flop ang serye…ipilit pa kasi..umayaw ka na Julia ngaun pa lang kung ayaw mong magalit sa yo lahat ng kathniel,kath, dj fans..

  3. FLOPSTARLET! Always flop ang movies at never nagkablockbuster at Uber-FLOP ang teleserye. Huwag na kasing ipilit pa! Andami namang mas deserving sa Dos pasikatin kesa sa future character actress na itech. hakhakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.