Julia Montes, ipapares kina Coco Martin at Paulo Avelino!

TOTOO KAYA ANG tsikang pagkatapos ng pelikulang Way Back Home at teen-oriented show na Growing Up ay pansamantalang maghihiwalay ng landas ang Mara Clara stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes?

Kung si Kathryn ay magkakaroon ng isa pang pelikula sa Star Cinema kasama ang ibang artista, si Julia Montes naman ay igo-groom na ng Kapamilya Network bilang isang ganap na leading lady sa isang teleseryeng pang-primetime. Ang bongga pa rito, si Coco Martin daw ang magiging katambal ng dalaga. Isang action-drama ang nakatakda diumanong pagbidahan ng dalawa at pasok din sa cast ang Starstruck avenger-turned-Kapamilya hunk actor na si Paulo Avelino.

In fairness, may potensyal ang love triangle na ito kung sakaling matuloy, huh? May kailangan kayang ipag-alala ang live-in partner ni Paulo na si LJ Reyes sa kaseksihan ng isa sa pambatong prinsesa ng Dos?

Intrigahin ba?!

 

KATRINA HALILI, NABIGLA SA PAGKAKATSUGI NIYA SA ‘MUNTING HEREDERA’!

Puring-puri ng mga manonood ang performance ni Katrina Halili bilang Lynette, isa sa pangunahing kontrabida ng Munting Heredera dahil sadyang nakakainis talaga ito sa programa. Ikinabigla ng lahat ang napipintong pagkatsugi nito sa programa.

Itinanggi naman ng aktres na nagkaroon ito ng problema sa set at all praises pa nga ang direktor nito na si Maryo J. Delos Reyes. Wala pa namang balita kung magkakaroon ba ng bagong programa ang sexy actress kaya biglang pinaslang ang karakter nito.

Guminhawa naman ang pakiramdam ni Chiqui (palayaw ni Katrina Halili) sa desisyon ng PRC na i-revoke ang license ng ex-dyowa niyang si Hayden Kho. Jr. Matatandaang naging isang malaking eskandalo ang pagkakadawit ng dalawa sa isang sex scandal. Gusto nang mag-move on ng dalaga at mukhang makakatulong ang bagong development nito sa kanyang inaasam na peace of mind.

 

ANGEL LOCSIN, PUSPUSAN ANGPAGPAPASEKSI PARA KAY LLOYDIE!

Halatang masayang-masaya ngayon si Angel Locsin sa kanyang career at lovelife. Wala man siyang regular TV program sa Dos, niluluto naman ng star Cinema ang first movie team-up nila ni John Lloyd Cruz na nakatakdang ipalabas sa November.

Kung puno ng aksyon at iyakan ang Imortal, tiyak na kilig at romansa naman ang ibabahagi ng dalawa sa kanilang bagong pelikula. Bilang preperasyon para sa nasabing proyekto, siniseryoso ng aktres ang pagpapapayat. Ayon sa kanya mismo, iniiwasan na nito ang intake ng rice. Kahit pork at beef ay sinusubukan niyang iwasan.

Mapapansin sa huling pelikula nito kasama si Aga Muhlach na ‘In The Name of Love’ na lumusog sa big screen ang aktres. For sure, dudumugin pa rin ng madlang pipol ang movie ng dalawa sa tinitingalang product endorsers ngayon.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

20 thoughts on “Julia Montes, ipapares kina Coco Martin at Paulo Avelino!

  1. Me non-showbiz rich suitors daw itong si julia. From the consunji, araneta, sy and cojuangco clans daw. Pero di pa daw ito ready sa relasyon kase breadwinner. Kong ako sa kanya, sasaguten ko na iyung cojuangco, hacienda luisita palan wala na siang problema sa pagpapakaen ng pamilya nia. pwede ren naman consunji para di na sia gumastos sa bahay nia pinagagawa.

  2. Halatang may favoritism ang Abs.. kakatapos lang ng movie ni Julia meron nanaman kasunod?? anebeeeee Ms. Charo?? bigyan nyo ng pagkakataon ang iba na mashowcase ang talent. For me mas gusto ko si Jessy or kaya si Maja for coco.. agree! marami nang fans ang coco and maja tandem.. 

  3. parang ang baby pa ni julia para ipareha kay Coco Martin. Both silang magaling pagdating sa acting pero hindi bagay.. agree ako sa iba na mabenta at patok ngayon ang loveteam ni Coco and Maja.. hindi rin naman kasi magiging sussecful ang MLKI kung hindi rin sakanila, i must admit isa sila sa mga dahilan kung baket ako nanonood ng soap kasi nakakakilig sila so sana wag na nilang sirain dapat bigyan nila ng maraming projects.

  4. Hay nako hindi ko talaga maintindihan ang Abs kung baket kailangan ipareha pa si Coco sa iba eh kitang kita namang mabenta ang Coco – Maja tandem..  Bat hindi nila bigyan ng project si Coco with Maja sure yun na maghihit basta mabigyan ng maganda story.

  5. sana ipareha na lang si Coco kay Maja malakas chemistry nila at malakas din ang fanbase nila.. sana wag nilang sayangin ang tambalang Coco and Maja… chaka super young pa si Julia para kay Coco Di bagay.. 

  6. hindi bagay si coco and julia…julia is too young for coco…marami pa siyang dapat matutunan when it comes to acting tough i know magaling din siya…ang akin lang sna wag madaliin ung pag-mature niya kasi sayang marami pa muna siyang pwedeng gawin….and to coco martin mas bagay sila ni maja salvador and ang dami ng supporters ng COCOJAM kaya sna wag muna nilang sirain….maraming malulungkot….

  7. julia and coco wat s stupid idea……..
    julia kumita b ang movie nl…..s mara clara oo nging skat cl free ky ang manood s tv…

  8. kalurkeykeo  hellllllllllllo d ko cnbi n wlng talent c julia ….s showbiz khit may talent k kung wl kng kpit s taas lalaglag k gnyan ang buhay showbiz……..wake up guyzzzzzzzzzzzzzzzzz…………………..kung wlng kpit yan ang bilis nman ny umasenso smantalng ang dming may mas talented dyan n ano ns baba p rin…..

  9. whoever thought of this team up is definitely an idiot. Why pair a multi-awarded actor (COCO M.) to an starlet.  DUHHHHH!!!!!! plus she’s too young. 

  10. Gnay at tazmosa: “haters gonna hate! hindi naman sya iggroom kung alam na hindi talented kaso meron eh. Eh kayo may show ba kayo? Wala so sorry kyo 

  11. julia montes cy n b ang bgong bby ng top executive ng network ny,,,,,,kawawang bt 2 magiging parausan.d cl bgay ni coco martin ang laki kaya ng age gap nl………

Leave a Reply

Your email address will not be published.