Julia Montes, ‘di isinama si Enchong Dee sa kanyang 18 roses!

BLIND ITEM: Sino ang guwapong bagets actor na

ito na ang itsura ay akala mo, hindi pumapatol sa bading, pero meron pala siyang isang mayamang gay benefactor, huh!

Aba’y hindi naman namin siya kinokondena diyan, ‘no! Dahil choice niya ‘yan, eh. Hindi rin namin sasabihing mali ang ginagawa niya, dahil wala naman siyang inaagrabyadong ibang tao. Bagkus nagpapaligaya pa nga siya, eh. Hahahaha!

Pero ang gay benefactor niya ay girl na girl pagdating sa kanya. Super seloso raw itong bagets, dahil ‘pag pupunta ito sa condo ng bading ay may-I-text ito na, “Ayoko ng may ibang guys diyan, ha? Mag-aaway tayo!”

O, ‘di ba, ang haba-haba ng hair ng bading? Sa magkano naman kayang halaga ‘yon, ‘no? Hahaha!

Anyway, lahat ng gusto ng bagets ay nabibili niya, dahil sa bading na ito.

At sino ba ang bagets na ito?

Ang clue namin?

Ang kanyang pangalan ay present sa pelikula, sa teleserye, sa mga TV shows at bahagi ng production.

Sa twitterworld naman matatagpuan ang kanyang ehem-ehem!

 

PINOST NAMIN sa aming instagram (@ogie_diaz) at twitter (@ogiediaz) ang bahagi ng imbitasyon sa amin para sa debut ni Julia Montes sa March 19. Ito ‘yung listahan ng mga sasalubong sa kanyang pagkadalaga sa pamamagitan ng 18 Roses, 18 Treasures at 18 Tulips.

Yes, me Tulips na! Hahahaha! Kaya ‘wag na kayong ma-shock kung magkaroon na rin ng 18 Sampaguitas. Charot!

Anyway, dumako tayo sa 18 Roses. ‘Eto ang nasa list: Jerome Ponce, PJ Endrinal, Albie Casiño, Arron Villaflor, Robi Domingo, Sam Concepcion, Joem Bascon, Khalil Ramos, Enrique Gil, Daniel Padilla, Paulo Avelino, Rayver Cruz, Sam Milby, Jake Cuenca, Richard Gomez, John Lloyd Cruz, Coco Martin at Sir Deo Endrinal.

Nakukulangan ba kayo?

Oo nga, ‘no? Parang may kulang? Ba’t kaya wala ang noon ay nanliligaw sa kanya na si Enchong Dee?

Honestly, kami mismo, gustung-gusto naming maging sila. Dahil mukhang matino naman si Enchong, in fairness, kumpara sa ibang guys diyan, ‘no!

Baka nga wala sa listahan, dahil nasa “puso” pala ni Julia?

Hahahaha!

At any rate, ‘kala talaga namin, hindi na kami ii-invite ni Julia, eh. Or else, itatakwil namin siya bilang isa sa mangilan-ngilan naming “anak-anakan”. Hahaha!

I love you, anak! Isa kang anghel sa iyong pamilya, ipagpatuloy mo ang isang pagiging mabu-ting anak, kapatid at apo!

 

ANG CUTE ng “love story” nina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli. Tila happy na happy sila sa isa’t isa habang pinanonood namin ang interbyu sa kanila for Showbiz Inside Report last Saturday.

Halatang naka-recover na si Jessy sa kanyang heartache kay JM de Guzman, huh! Maging si Matteo ay parang na-get-over na si Maja Salvador.

And I’m sure, ayaw na nilang matapos ang Precious Hearts Romance Presents: Paraiso dahil dito nagsimula at nagbunga ang kani-lang pag-iibigan.

Pero ang kabilin-bilinan namin dito kay Jessy noon pa na hinding-hindi niya makalimutan ay ‘wag na ‘wag niyang isusuko ang kanyang bataan. Kung talagang mahal siya ng lalaki, maghihintay ‘yan hanggang sa altar.

‘Yang mga ganyang byuti ay parang Motolite.

Pangmatagalan.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “Julia Montes, ‘di isinama si Enchong Dee sa kanyang 18 roses!

  1. Ayaw ko na kay Julia. Nakita ko ang pagsimangot niya sa Showtime ng tabihan siya ng isa sa audience na napili sa isang skit. Humihinga ng malalim ang lalaki na parang aatakehin sa ganda ni Julia. Parang nabahuan si Julia. I recorded the show while I was at work and I have the capacity to pause and repeat that part just to make sure. Para talaga siyang bahung baho sa katabing lalaki.

    • HAHAHA. BAKA NAMAN TLG MAKYOHO, TEH. WELL, MAKYOHO OR NOT, SUPLADITA NAMAN DAW TLG SI JULIA. HALOS LAHAT NAMAN NG ARTISTA GANYAN. PAG SUMIKAT, AKYAT AGAD SA ULO ANG KASIKATAN. EVEN ASIA’S SONGBIRD REGINE VELASQUEZ WAS ONCE WITNESSED WIPING HER CHEEK, WITH MATCHING EEEWWWW FACIAL EXPRESSION, AND THEN ASKED FOR ALCOHOL RIGHT AWAY. HAHAHA.

    • korakak, totoo ba yang si Julia Montes ay hawak ng isang DOM, ng kanyang network, just asking, nabasa ko lang sa ibang online blog, 

  2. pero kung sa itsura bagay  cna mama enchang ay  enchong pala at  julia kc my similarities features nila laluna ung eyes…malay naten kung mgpapakalalake lng tlaga c enchang  ay mgkatuluyan din cla blang araw…

  3. SAGOT SA BI: DERRICK MONASTERIO? DI BA ‘DIREK’ YUNG CLUE? HINDI NAMAN PWEDENG DEREK RAMSAY KASI AYON KAY OGS ‘YOUNG ACTOR’ EH DI DERRICK KATUNOG NG DIREK DI BA? TAMA BA AKO MAMA OGS? HAHA! EH DI IBIG SABIHIN KAYA PALA MAY PAGKA-BADING NA RIN ITONG SI DERRICK MONASTERIO DAHIL PUMAPATOL PALA TALAGA SIYA SA BEKIES? HAHA! MALAKI NAMAN YATA ANG KARGADA KAYA MAY IPAGMAMALAKI ANG BATANG ITO

    • AY GALING MO, PUTRIZK KA! HAHAHA. KUNG BEKI NGA SI DERRICK MONASTERIO, GORA LANG! CUTE SYA. NALOKAH AKO DUN SA YOUTUBE CLIP NILA NI ALDEN RICHARDS KUNG SAAN GINAGRAB NI DERRICK ANG CROTCH NI ALDEN. BFF TLG ANG DALAWANG BEKI, I MEAN, MHIN. MERON PA SILANG STOLEN PIC NA MAGKALAPIT MASYADO ANG PIC HABANG NAKAUPO SA COUCH, ABOUT TO KISS! KALOWKAH! HINTAYIN NYO LANG MAHINOG ANG 2 YAN AT MALOLOKAH ANG BEKIWORLD.

      PERO TEKA, SINO ANG BENEFACTOR NA NASA TWITTER WORLD? SI JOEY ABACAN BA?

  4. NAKOH NAMAN OGIE, ALAM MO NAMAN ANG SAGOT SA TANONG MO. OBVIOUS NAMAN NA KNOWS NAMAN NI JULIA ANG TOTOO. LOL. TEKA, SA ITSU NI JULIA, PARANG 5 YRS AGO PA SIYA NAG-DEBUT. HAHAHAHA.

    TEKA, SINO YANG NASA B.I. MO? INTRIGUING HA…

Leave a Reply

Your email address will not be published.