Julia Montes, deadma sa lovelife

Julia-MontesJulia-MontesJULIA MONTES is turning 19 years old pero wala pa rin sa isip niyang magka-boyfriend dahil mas priority niya ang showbiz career kaysa pag-ukulan ng panahon ang pagtibok ng puso.

Maiintindihan mo si Julia kung pagtuunan ng pansin ang career kaysa lovelife dahil maraming sakripisyo ang dinanas niya bago naging artista at ngayon ay isa sa mga sikat na young star ng ABS-CBN.

Bata pa kasi siya nang magsimulang pasukin ang showbiz. Isinasama siya ng kanyang lola sa mga shooting para lumabas na extra.

Hindi makakalimutan ni Julia nang maging extra sila ng kanyang lola na biglang umulan, dahil wala silang tent at para hindi mabasa ng ulan ay kanya-kanya raw sila ng takbuhan.

Ngayon ay patuloy na tumitingkad ang magandang showbiz career ni Julia. At nagpapasalamat nga pala ang young star sa mga bashers. Mensahe nga niya sa mga ito, “More, more thanks sa kanila. Nakakatuwa sila kasi ang dami na nila. Iba-iba ang gusto nila for me. Pero iisa ang objective nila, to support me. Hindi enough ang thank you. Prayers din for my supporters and followers dahil kailangang malakas ang loob nila para mas malakas ang loob ko.

“Hindi ko po talaga ini-expect na they will support me till this time. Nakatataba ng puso,” pagtatapos na say ni Julia.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Julia Montes, deadma sa lovelife

Leave a Reply

Your email address will not be published.