Julia Montes: Ang Kontrabidang Pambida!

MASASABING NAGING MATAGUMPAY ang Kapamilya network sa remake ng teleserye classic na Mara Clara. Isang sugal nga kung maituturing ang biglaang pag-produce ng mas makabagong version ng Judy Ann Santos-Gladys Reyes starrer. Alam naman ng mga diehard teleserye addicts kung ano ang naging impluwensiya ng Mara Clara sa daily viewing habit ng mga Pinoy. Ito na nga ang matatawag nating ‘Mother of All Teleseryes’ sa balat ng telebisyon. ‘Ika nga, nakaukit na ito sa kasaysayan natin.

Isang malaking hamon para sa mga Goin’ Bulilit graduates na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang paghalili sa mahiwagang papel na Mara at Clara. Buti na lang at matatalino silang mga bagets at nagawan pa nila ng paraan na i-execute ang kanilang mga eksena na hindi kinokopya ang naging istilo noon nina Juday at Gladys. Effort kung effort!

Marami ang nakapansin sa star potential ng kontrabidang si Julia Montes. Magaling din naman si Kathryn Bernardo bilang api-apihang si Mara, pero kakaiba ang dating ng makabagong Clara. May mga nagsasabi nga na si Julia Montes ang isa sa magiging pambato ng Dos balang araw. May ibubugang acting talent ang bagets at in fairness, maganda at sexy pa ito! Hindi malayong matatahak din nito ang naging kapalaran ni Angelica Pa-nganiban at Anne Curtis, na nag-umpisa muna bilang kontrabida sa ilang teleserye ng Dos bago naging bida sa kani-kanilang palabas.

Malakas din ang kamandag nitong si Julia sa mga boys. Hindi lang ang mga kasabayan niya sa Mara Clara na sina John Manalo, Albie Casiño at Diego Loyzaga ang nali-link sa kanya. Ang mga Kapamilya prime leading men na sina Sam Milby, Coco Martin at ang latest ay si Enchong Dee ang pilit na idinidikit sa teenstar. Haba ng hair mo, girl!

As of writing, mukhang may nilulutong teen-oriented show ang ABS-CBN para kay Julia at sa iba pang teen stars ng network. Kung magtutuloy-tuloy ang pagiging matino nito sa totoong buhay at mabibigyan ng magagandang projects, paniguradong maraming kakabugin si Julia sa Dos na mga nagrereyna-reynahan. ‘Yun na!

 

For comments, questions and suggestions, kindly email us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website athttp://www.pinoyfansclub.com

By Mica Rodriguez

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

Related Post

loading...

One thought on “Julia Montes: Ang Kontrabidang Pambida!

Leave a Reply

Your email address will not be published.